PNP at DTI, inatasan ni PBBM na tumulong para mapababa ang presyo ng mga pagkain
- Published on August 26, 2022
- by @peoplesbalita
INATASAN ni PANGULONG Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga ahensya ng gobyerno na lutasin ang mga logistical challenges na kinakaharap ng mga transporter at cargo forwarders ng mga produktong pang-agrikultura para mapababa ang presyo ng mga bilihin sa pagkain.
Inilabas ng Chief Executive ang direktiba sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Binigyang-diin niya kung paano “hindi hinahawakan” ng gobyerno ang mga reklamong inihain ng mga direktang nagdadala ng mga produktong pang-agrikultura papunta at pabalik sa palengke.
Ipinanukala ang muling pagbuhay sa mga express lane para sa mga food truck, na isinagawa sa panahon ng pandemic-induced lockdown.
Kung maaalala, nagtatag ang nakaraang administrasyon ng mga “dedicated lanes” upang matiyak ang walang sagabal na paggalaw ng lahat ng pagkain at iba pang mahahalagang kargamento sa panahon na ipinatupad ng gobyerno ang mga paghihigpit dahil sa pagsiklab ng sakit na coronavirus.
Sinabi naman ng DILG, sa pinakahuling ulat nito sa Pangulo, na tatalakayin nila sa Philippine National Police (PNP) ang posibilidad na magkaroon ng “free flowing” passage para sa mga produktong pang-agrikultura sa mga checkpoint.
Ang isa pang posibleng paraan ng pag-streamline ng logistik ay sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.
-
Russia, nag-anunsiyo ng humanitarian ceasefire sa Ukraine
INIHAYAG ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population. Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor. Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang […]
-
Binalikan ang aksidente habang nagti-taping: KATRINA, hindi gagawing libangan ang pagmo-motor
MAGANDA raw ang sitwasyon sa pagitan nina Joem Bascon at Willie Revillame bilang magbiyenang ‘hilaw’, dahil hindi pa kasal ang aktor at si Meryl Soriano. Lahad ni Joem, “Masaya naman po, pero now hindi namin siya masyadong nakikita kasi masyado pa po yatang busy. “Waiting lang naman po ako kay Meme, […]
-
PBBM, nakukulangan sa mga benepisyo ng mga nars sa bansa
NAKUKULANGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga benepisyo na ipinagkakaloob sa mga nurses o nars sa bansa lalo pa’t iba ang ibinibigay na serbisyo at sakripisyo ng mga ito matiyak lamang ang kaligtasan ng publiko. Sa naging talumpati ng Pangulo sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association, sinabi ni Pangulong Marcos […]