• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief tiniyak ang agresibong pagtugis laban sa mga drug syndicate

Tiniyak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na lalo pang palalakasin ng PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga kontra sa mga sindikato na patuloy sa kanilang illegal drug trade.

 

 

Ang pahayag ni Eleazar ay bunsod sa inisyal na resulta ng NBI investigation hinggil sa nangyaring fatal encounter sa pagitan ng mga tauhan ng PNP at PDEA sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan isang inmate sa Sablayan Penal Colony sa Occidental Mindoro ang siyang nagkukumpas umano sa drug deal sa pagitan ng PNP at PDEA sa loob mismo ng kaniyang selda.

 

 

Dahil sa nangyari sa Commonwealth at muntik na namang engkwentro sa Fairview sa Quezon City kaya agad bumuo ng guidelines ang PNP at PDEA para maiwasan ang kahalintulad na insidente.

 

 

Sinabi ni Eleazar kapag may operasyon sa isang lugar ang PNP at PDEA hindi sila pwedeng magsabay pwera na lamang kung ito ay joint operation.

 

 

Nagkasundo ang PNP at PDEA na istrikto nilang sundin ang binuong anti-drug operation guidelines o protocol.

 

 

Kapwa naman iginiit ng PNP at PDEA na legitimate ang kanilang operasyon.

 

 

Una rito, ibinunyag ni NBI NCR Director Cesar Bacani batay sa kanilang imbestigasyon na isang Melvin Magallon alias Pawpaw na nakakulong sa Sablayan Penal Colony ang nagdidikta sa tempo sa nasabing illegal drug transaction.

 

 

Gagawin din ng PNP ang lahat para mapanagot ang mga sindikato dahil sa kanilang ginawa.

 

 

Siniguro rin ni Eleazar na hindi na mauulit pa ang Commonwealth at Fairview incidents sa pagitan ng dalawang law enforcement agencies.

Other News
  • Obiena, PATAFA gumulo pa

    SA halip na mag-areglo gaya nang kanilang mga pinahayag sa Senado noong Pebrero 11, mas malaki pang gusot ang sumambulat para kay 2020+1 Tokyo Olympian men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na pinamumunuan bilang pangulo ni Philip Ella ‘Popoy’ Juico.     Hindi gumalaw ang […]

  • Pinoy karateka James delos Santos muling nakakuha ng gintong medalya

    Nagwagi ng gintong medalya si Filipino karateka James delos Santos sa Okinawa E-Tournament World Series.     Ito na ang pang-36th gold medal na kaniyang nakuha ngayong taon kapantay ang bilang din na kaniyang nakamit noong 2020.     Sinabi nito na naging malaking hamon sa kaniyang na matapatan ang nakuha nitong medalya noong nakaraang […]

  • 5 huling cyclones, sinaid ang P1B quick response fund-DSWD

    NASIMOT ang P1 billion na quick response funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos gastusin sa mga biktima ng limang huling tropical cyclones na tumama sa bansa. “More than P1 billion yung total humanitarian assistance na po ang naipamahagi ng inyong DSWD. Out of that, more than 1.4 million na family food […]