• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, gagamit na ng body cams sa kanilang operasyon sa buwan ng Abril

KAILANGAN na kumpleto ang gamit ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga operasyon.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na sa buwan ng Abril ngayong taon ay makagagamit na ang PNP ng body cams sa kanilang operasyon.

 

Layon nito na pahupain ang pangamba ng publiko kapag may mga taong napapatay sa police raids.

 

“The body cams are there already. Training is ongoing and we expect these body cams to be used by April to erase doubts that the public may have on what really happens during police operations and when somebody dies in those operations,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Kasi ‘yang body cam po ay physical evidence at hindi po magsisinungaling ang physical evidence,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang pagtiyak na ito ni Sec. Roque ay sa gitna ng patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Justice Department sa pagkamatay ng 9 na aktibista sa Calabarzon Region sa isinagawang police operations noong nakaraang linggo.

 

Ang police operations ay isinagawa para isilbi ang search warrants para sa explosives at iba pang nakamamatay na armas.

 

Samantala, umapela naman Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa 9 na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo.

 

Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa mga 9 na aktibista at ang di umano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin.

 

“I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ani Sec. Roque.

 

“We are undertaking and discharging the state obligation to investigate prosecute and punish,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Laban ng Azkals at Vietnam nagtapos sa draw

    PINAHIYA ng Philippine Azkals U23 ang host nation at defending champion Vietnam sa ikalawang beses nilang paghaharap sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.     Nagtapos kasi ang laban ng dalawa sa goalless draw.     Dahil sa panalo ay umangat ng apat na puntos ang Azkals mula sa dalawang matches sa […]

  • Marc Paolo Javillonar pinapanagot sa pagpisil ng puwet ni Will Allen Gozum

    Nag-viral ang video na pinisil ni Marc Paolo Javillonar ng Colegio De San Juan De Letran Knights ang puwit ni presumptive Most Valuable Player Will Allen Gozum ng College of Saint Benilde Blazers sa kanilang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball tournament best-of-3 Finals Game 1 Linggo ng gabi sa Araneta Coliseum sa […]

  • DOH handang magpa-¬audit sa biniling COVID-19 vaccines

    HANDA ang Department of Health (DOH) na magpasailalim sa auditing ukol sa mga biniling COVID-19 vaccines makaraang madiskubre ng Senado na hindi pa ito naisasagawa ng Commission on Audit (COA).     “On the subject of COVID-19 vaccine expenditures, the DOH is ready to coordinate and comply with the COA’s auditing process and provide all […]