PNP isinumite na ang mga hawak na ebidensiya sa NBI re Commowealth ‘misencounter’
- Published on March 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na boodle money na nagkakahalaga ng P1-million pesos ang kanilang narekober sa madugong misencounter sa Commonwealth sa pagitan ng PNP at PDEA.
Ayon kay PNP Crime Laboratory Deputy Director BGen. Robert Rodriguez, nakarekober ng PNP SOCO ng P1 million boodle money sa isang van na ino occupy ng mga tauhan ng PDEA at kanila ng naiturn over sa IOC.
Walang P1 million cash money ang nawawala sa naturang operasyon.
Sinabi ni Rodriguez ilang mga ebidensiya din ang kanilang na iproseso at ilan dito ay naiturn over sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon naman kay PNP Chief Gen. Debold Sinas kabilang sa mga ebidensiya na naprocess ng PNP Crime Lab ay Autopsy, drug test, paraffin test , dna analysis, bullet trajectory, ballistics at finger prints.
Sinabi ni Sinas, naisumite na nila sa NBI ang kanilang mga hawak na ebidensiya. Sa kabilang dako, balik na ang PNP sa kanilang anti-illegal drug operations.
Siniguro naman ni Sinas na hindi na mauulit pa ang madugong misencounter sa pagitan ng PNP at PDEA.
-
Black nais ang PBA championship, ROY
PINAPAKAY ng anak ni Philippine Basketball Association (PBA) 1989 Grand Slam coach Norman Black ng Meralco Bolts na si Aaron Black na makasungkit agad ng kampeonato sa pro league at ang Rookie of the Year Award. “Of course every rookie that comes to the league wants to earn the Rookie of the Year as […]
-
SHARON, na-in love sa malambing na aspin kaya pinahanap para ampunin; ‘Pawi’, natagpuan na
MATAPOS na i-post ni Megastar Sharon Cuneta ang video ng isang aspin na naglalambing sa kanya sa Instagram account ay pinost din niya ang larawan ng aso. Pinahanap niya ito sa Olangapo sa isang saradong beach resort na kung saan doon sila nag-shooting ng Revirginized kasama si Marco Gumabao. “Sana talaga inuwi ko […]
-
‘Pacquiao naghahanda maging independent candidate sakaling ‘di katigan ng Comelec ang kanilang faction’
Naghahanda na umano ng options si Sen. Manny Pacquiao sakaling hindi kilalanin ng Comelec at Supreme Court ang kanilang PDP-Laban bilang isang lehitimong partido. Inamin ni PDP-Laban executive director Ron Munsayac, sakaling kilalanin ang grupo ni Energy Secretary Cusi ng Comelec, handa raw si Pacquiao tumakbo bilang isang independent candidate. Una […]