Black nais ang PBA championship, ROY
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
PINAPAKAY ng anak ni Philippine Basketball Association (PBA) 1989 Grand Slam coach Norman Black ng Meralco Bolts na si Aaron Black na makasungkit agad ng kampeonato sa pro league at ang Rookie of the Year Award.
“Of course every rookie that comes to the league wants to earn the Rookie of the Year as well as win the championship,” bulalas ng magbe-23-anyos sa darating na Nobyembre 19 at may taas na 6-1 na basketbolista.
Hinirit ng four-year University Athletic Association of the Philippines (UAAP) veteran na may isang titulo sa Ateneo de Manila University Blue Eagles point guard, na nais niyang patunayan na hindi porket nakatuntong na sa pro league mag-rerelaks na.
“My dad told me when I got drafted was when you get to the PBA, some people think that that is the end of the journey, [but] really it’s a start if you think about it,” pagsisiwalat ng nakababatang Black na isang veteran internationalist na rin sa pagsabak sa 2019 Taiwan Jones Cup.
Sinigurado rin ng cager na ibibigay niya ang lahat ng kanyang magagawa upang tapusin ang pagkatuyot sa kampeonato ng Bolts sa 10 taon sa unang Asia’s play-for-pay hoop.
“We’ve been aching for a championship now for what? 10 years?” wakas na namutawi kay Aaron sa pagbubukas ng liga sa Oktubre 9 sa Angeles City. “Hopefully I can help out there and we can finally win one.” (REC)
-
Sec. Roque, agad nagbigay linaw sa anunsyong ‘special working holidays’ ang Nov 2, Dec 24 at 31
NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kanyang sinabi na malabong irekonsidera at bawiin ng Malakanyang ang anunsyong ‘special working holidays’ ang November 2, December 24 at 31 dahil “isang taon na tayong nakabakasyon”. “Alam nyo po, ang konteksto nito, ‘yung karagdagang araw na pinagpapatrabaho tayo, kasama na po ‘yung bisperas ng Pasko, bisperas […]
-
Franklin pumukol ng pitong tres kontra Dyip
IBINUHOS ni Jamaal Franklin ang pitong tres tungo sa pagtatala ng kabuuang 42 puntos na nagbitbit sa Converge FiberXers sa ikalawang sunod na panalo sa pagpapalasap ng 130-115 kabiguan kontra Terrafirma Dyip sa PBA Governors Cup kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig. Nagdagdag pa si Franklin ng 11 rebounds, 8 assists, 1 steal at […]
-
Bawat Pinoy, may utang nang P119,458
HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang mga negosyong pag-aari ng estado o government owned and controlled corporations (GOCCs) na gawin ang kanilang bahagi sa pagpapagaan ng pasanin sa lumolobong utang ng gobyerno, na ang ‘servicing cost’ pa lamang ay katumbas na ng 30 porsyento ng P5.268 trilyon ng panukalang badyet para […]