PNP maghihigpit sa mga quarantine checkpoints para pigilan ang pagkalat ng Delta variant ng Covid-19 – Eleazar
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng pulis na striktong ipagpatuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga protocol na inilatag ng national government bilang tugon sa nagpapatuloy na banta ng COVID 19.
Ito’y kasunod ng babala ng Department of Health sa publiko tungkol sa COVID 19 Delta variant na laganap sa buong mundo.
Ayon sa DOH, kailangang higpitan ang pagpapatupad ng border control cehckpoints para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant na ito sa bansa at pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Ayon kay Eleazar, hindi lang mga pulis, kundi lahat ng mamayan ay may papel na dapat gampanan para mapigilan ang pagkalat ng variant na ito.
Sa panig aniya ng PNP, makakaasa ang mga mamayan na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga Quarantine Control Points, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.
Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na bukod sa pagpapabakuna, magkaroon ng disiplina sa pagsunod sa mga health protocols na inilatag ng IATF.
Binigyang-diin ni Eleazar na matagal na itong panawagan ni DILG Sec. Eduardo Ano na magkaroon ng kusa ang ating mga kababayanna sumunod sa panuntunan ng IATF upang mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 virus.
SAMANTALA, sa kabila ng kontrobersiya sa operasyon ng PNP ang pagkakapatay sa dating pulis na dating Mayor ng Talitay, Maguindanao habang nasa police custody at ang operasyon sa Binan, Laguna na ikinasawi ng 16-anyos na teenager at isang drug suspek ay hindi hadlang sa pinalakas na kampanya ng PNP laban sa iligal na droga.
Sinabi ni Eleazar hindi titigil ang PNP hanggat hindi nahuhuli ang mga notorious drug personalities sa buong bansa.
Gumugulong na ang imbestigasyon ng PNP at maging ang motu propio investigation ng PNP IAS upang mabatid kung may lapses at nasunod ng mga operatiba ang police operational procedure.
Siniguro ni Eleazar kung mapatunayang may pagmamalabis sa panig ng mga pulis, mananagot ang mga ito sa batas. (Daris Jose)
-
Teaser Trailer For Edgar Wright’s ‘Last Night in Soho’ Reveals Neon-filled Time-traveling Ghost Story
DIRECTOR Edgar Wright (Baby Driver and Shaun of the Dead) is coming back with a new film! This time, it’s for the psychological horror film Last Night in Soho, which stars The Queen’s Gambit‘s Anya Taylor-Joy and Jojo Rabbit‘s Thomasin McKenzie. Just before its release in the US, Focus Features dropped the film’s teaser trailer, which gives us a hint on […]
-
Nalungkot lang na ‘di nakarating para tanggapin ang award: LOTLOT, nakasungkit uli ng Best Supporting Actress trophy sa ‘The 5th EDDYS’
SA ikalawang pagkakataon sa loob lamang ng isang buwan ay nanalong Best Supporting Actress si Lotlot de Leon para sa pelikulang ‘On The Job 2: The Missing 8’. Una ay pinarangalan si Lotlot sa Gawad Urian noong November 17, at nito namang Linggo ng gabi, November 27, ay muling nasungkit ni Lotlot ang […]
-
Truck driver at helper, kinasuhan sa pagmamaniobra ng palitan ng manok
SINAMPAHAN ng National Bureau of Investigation-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) ang dalawang indibidwal na responsible sa pagpapalit ng mga buhay na mga manok na nagresulta sa pagkakalugi ng mahigit P200K ng isang poultry company. Kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 308 in Relation to Article 310 of the Revised Penal Code […]