• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, mas pinaigting pa ang monitoring laban sa e-sabong; 236 sites pina-take down

MAS pinaigting pa ngayon ng Philippine National Police ang kanilang isinasagawang monitoring sa iba’t ibang online platforms at mobile application na maaarin gamitin ng mga kawatan sa ilegal na operasyon ng electronic sabong.

 

 

Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang Anti-Cybercrime Group na i-take down ang lahat ng mga online sites na ginagamit sa ilegal na operation ng online sabong.

 

 

Batay sa pinakahuling datos ng Pambansang Pulisya, mayroon nang 236 websites, online pages, chat groups, at accounts ang nai-take down ng mga otoridad na resulta ng monitoring ng Anti-Cybercrim Group ng Pambansang Pulisya.

 

 

Kung maaalala, ang nagpapatuloy na crackdown ngayon ng pulisya laban sa online sabong ay kasunod ng mga ulat ng pagkawala ng mga sabungero sa Manila Arena noong Enero ng nakalipas na taon.

 

 

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkawala ng nasa kabuuang 34 na mga sabungero, kabilang na ang isang master agent dinukot sa Laguna, at ang iba pang mga sapilitang dinakip sa Manila Arena.

 

 

Kabilang sa mga persons of interest na natukoy ng pulisya hinggil sa naturang kaso ay ang anim na security guard sa Manila arena na kasalukuyang mayroong tig-iisang milyong piso na halaga ng mga pabuya na nakapatong sa kanilang ulo para sa sinumang makakapagturo sa mga ito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • IMBES na MULTAHAN o PARUSAHAN ang WALANG FACESHIELD, BAKIT HINDI BIGYAN ng INCENTIVE ang MAY FACESHIELD

    Humihirit pa rin ang IATF na dapat pa rin mag face shield dahil added layer of protection daw ito. Wala naman silang naipapakitang scientific basis para sa kanilang argumento.  Maraming mga opisyal mismo ng gobyerno at mga tao ang nagsasabing dagdag gastos lang ang face shield.     Bueno kung talagang yan ang rekomendasyon ng IATF […]

  • May explanation ang ‘Magandang Dilag’… HERLENE, minsan nang na-late sa taping pero ‘di na naulit

    NAKAKAKUHA ng mataas na rating na 11.3 percent last July 26, ang GMA Afternoon drama series na “Magandang Dilag” na nagtatampok kina Herlene Budol, Rob Gomez at Benjamin Alves.      Kaya naman labis ang pasasalamat ni Herlene sa mga viewers ng serye, nang ma-interview siya ni Kuya Kim Atienza sa programa nitong “Dapat Alam […]

  • 668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP

    NATANGGAP na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program.     Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance.     “The wait is over. After more than a year, […]