• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Empleyado ng Manila City Hall, huli sa panloloko

SWAK sa kulungan ang isang 38-anyos na dalaga at empleyado ng City Treasurers Office ng Manila City Hall dahil sa panloloko at pagnanakaw ng malaking halaga mula sa mga stallholders ng Paco Market.

 

Hawak ngayon ni P/Major Rosalino Ibay Jr., Hepe bg MPD-Special Mayors Reaction Team ang suspek na si Sherylet Lising, dalaga, Admin Aide I ng CTO, at nakatira sa 1770 Bulacan Street, Sta. Cruz, Maynila na sinampahan ng kasong paglabag sa Article 315 (Large Scale Estafa at Artcile 310 (Qualified Theft).

 

Si Lising ay naaresto sa loob mismo ng opisina ng City Treasurers office na matatagpuan sa ground floor ng Manila City Hall.

 

Tumatayo namang complai-nant sina Mary Grace Maliwat, 37 Liaison Officer ng Market Administration Office ng City Administration Office ; Hector Salonga , 53 , retail stallholder at Vice President ng Paco Market Stallholder , Zandro Guce , 53 ; Hilda Caramancion, 45 ; Yolanda Flandez, 65, kapwa mga retail stallholder sa Paco market; Ginalynne Ignacio ,36 , Stallholder ng nasabi ding pamilihan.

 

Pinangunahan naman nina P/Major Cicero M.Pura at P/Cpt.Edward G.Samonte ng SMaRT ang operasyon ayon na rin sa kautosan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso.

 

Bago ang pag-aresto, dumulog ang mga complainant sa tanggapan ng SMaRT kahapon kung saan pinagkatiwalaan umano ni Maliwat ang suspek na magbayad ng 68 piraso ng Business Permits ng Paco Market Stallholders na tinatayang aabot sa halagang P604, 450.00

 

Ibinalik umano ng suspek ang official receipt (O.R.) ng nasabing transaksyon kay Maliwat ng lingid sa kanyang kaalaman ang karamihan sa bahagi ng kabuuang binayaran ay pinalitan ng Managers check na nagkakahalaga naman ng P487,067.68 na nakapangalan sa NCT Transnational Corporation na kanya ring aksidenteng natuklasan kalaunan.

 

Kaugnay nito, dahil sa pagkakaiba at di karaniwanang transaksyon , ibinirepika ito sa City Treasurers Office at natuklasan na ang Managers check ay ginamit na labag sa batas para sa ibang transaksyon kaya nagsagawa ng imbestigasyon na nagresulta ng pagkakaaresto ng suspek.

 

Nakumpiska sa suspek ang Samsung Galaxy J7+ , Nokia Keypad Mobile Phone , Passbook ng RCBC na nakapangalan kay Elmira R. Raagas at naglalaman ng P280,000.00. (Gene Adsuara)

Other News
  • Barangay chairman itinumba ng 2 riding-in-tandem sa Malabon

    Dedbol ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawa sa apat na hindi kilalang mga suspek likod ng kanyang bahay sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.   Dead on arrival sa Manila Central Univesity (MCU) hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Anthony Velasquez, 41, Barangay Chairman […]

  • RIHANNA, idineklara na ‘National Hero’ ng kanyang hometown na Bridgetown, Barbados

    IDINEKLARA na isang National Hero ang singer-actress-businesswoman na si Rihanna o Robyn Rihanna Fenty in real life sa kanyang hometown sa Bridgetown, Barbados.     Iginawad ang honour kay Rihanna noong November 30 by Prime Minister Mia Mottley kasabay ng pag-celebrate nang pagiging republic ng Barbados after 396 years sa ilalim ng British monarchy.   […]

  • Pinaghirapan, ilang taong pinag-ipunan at pinaghandaan… DINGDONG, pinasilip na rin ang bonggang dream house nila ni MARIAN

    PINASILIP na ang kanilang bonggang bahay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.   Habang nagsu-swimming si Dingdong at si Marian Rivera-Dantes naman ay relax lang sa tila lanai nila with their dog. Ang ganda at ang laki ng bahay.   Sabi ni Dingdong sa kanyang caption sa Instagram, “The things we cherish most […]