• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, mino-monitor ang mga taong inuugnay sa Hamas ukol sa ‘terror plot’ -DILG

MAY ilang katao na ang mino-monitor ngayon ng Philippine National Police (PNP) na di umano’y may kaugnayan sa napaulat na plano ng Middle East-based Hamas militant group na mag-operate sa Pilipinas.

 

 

“Those people mentioned in the report are now under surveillance and monitoring,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

 

 

Tinukoy ni Año ang report na isinumite sa kanya ng PNP kamakailan.

 

 

Gayunman, hindi naman nito binanggit kung ilang indibidwal ang mino-monitor ng PNP na sinasabing sangkot sa nasabing terror plot.

 

 

“The PNP Intelligence Group is into this, they’re monitoring the movement of these Filipinos who are reportedly (involved),” ani Año, sabay sabing nakipag-ugnayan na ang DILG sa Anti-Terrorism Council.

 

 

Habang naniniwala siya na ang terror plot ay na-preempt na, patuloy naman ang intelligence personnel sa kanilang pagmo-monitor at pangangalap ng mahahalagang impormasyon ukol sa nasabing bagay.

 

 

“There are no indicators that they are really on the verge of implementing it (plan to establish foothold). It’s still information that is being acted upon by the intelligence community,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sa ulat, napigilan ng Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) ang planong paghahasik ng kaguluhan sa bansa ng Hamas, isang terrorist group na aktibo sa Gaza Strip at West Bank ng Palestine.

 

 

Sa report ni Intelligence Group director B/Gen Neil Alinsangan kay M/Gen. Michael John Dubria, PNP Director for Intelligence, plano ng Hamas ang pag-atake sa mga Israeli sa bansa, pagsagawa ng mga kilos protesta sa Israeli Embassy, at pagpapakalat ng mga propaganda materials laban sa Israel.

 

 

Natuklasan aniya ng IG ang ginagawang recruitment ng Hamas ng mga Pilipino mula sa mga local terrorist groups na siyang gagamitin para sa paghahasik ng  kaguluhan.

 

 

Sinabi ni Alinsangan na kinilala ng kanilang Pinoy source ang Hamas operative na si “Bashir” o Fares Al Shikli na umano’y nagtangkang mag-establisa ng foothold sa Pilipinas na nangakong magbigay suporta sa ilang mga local terrorist groups sa bansa.

 

 

Pinuno rin ito ng Hamas Foreign Liaison Section, at nakalista sa Interpol Red Notice dahil sa pagkakasangkot sa terorismo.

 

 

Babala ni Alinsangan sa mga terrorist groups, hindi sila magtatagumpay sa kanilang plano sa bansa dahil binabantayan na sila ng PNP at Armed Forces of the Philippines. (Daris Jose)

Other News
  • Na-hack ba ito o sadyang dinilete: LIZA, wala pang statement sa kung ano talaga ang nangyari sa IG account

    NAGBIGAY ng patikim ang limang actors ng stage play na “DickTalk” nang mag-perform ito sa Dengcar Theater ng Mowelfund with some media and show buyers, pero opening pa lang, pasabog na agad ang lima.     Although, dahil sobrang lapit ng stage sa audience, si Gold Aceron pa lang ang totoong nagpatikim ng pasabog.   […]

  • TUPAD ORIENTATION IN BULACAN

    Governor Daniel R. Fernando with some of the 609 beneficiaries of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers in the province during the TUPAD Orientation as part of the Weeklong Celebration of Labor Day 2021 held at the Bulacan Capitol Gymnasium, City of Malolos, Bulacan yesterday.     Si Gobernador Daniel R. Fernando kasama ang […]

  • Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K

    PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan.     Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized […]