PNP nagbabala sa publiko laban sa crypto investment scam
- Published on November 28, 2022
- by @peoplesbalita
NAGBABALA ngayon ang Philippine National Police (PNP) sa publiko kaugnay sa mga naglipanang crypto investment scam.
Ito’y kasunod sa pag-release ng government and private companies ang bonuses at 13th month pay ng mga empleyado.
Ayon sa PNP, pinaigting na ng ilang mga indibidwal at maging ng ilang grupo ang kanilang modus at akitin ang mga tao na mag- invest ng pera sa mga pekeng crypto investments.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Joel Doria, director ng PNP-Anti-Cybercrime Group, na ang mga scammers ngayon ay mas lalong nagiging creative sa kanilang mga potential victims gamit ang kanilang bagong modus.
Kabilang dito ang paghikayat sa isang potential investor na i download ang isang Crypto App at kapag installed na nire-require na cash in ang kanilang investments sa pamamagitan ng digital wallets na naka lista sa application.
Ang mga scammers ay gumagamit ng pekeng DTI permits at SEC certificates. (Daris Jose)
-
YASMIEN, ipinakita sa vlog ang reunion nila ng dating ka-loveteam na si RAINIER
KINILIG ang maraming netizens sa naging reunion nila Yasmien Kurdi at Rainier Castillo. Sa YouTube vlog ni Yasmien, nagkita ulit ang dating loveteam sa isang rehearsal ng All Out Sundays. Pinagtambal sina Yasmien at Rainier pagkatapos ng first season ng StarStruck noong 2004 kunsaan sila ang tinanghal na First Prince and […]
-
Blinken nagpaabot ng pakikiramay sa 2 napatay na journalist ng Fox News
NAGPAABOT ng pakikiramay si US Secretary of State Antony Blinken sa pagkasawi ng dalawang journalist ng FOX News. Napatay ang 55-anyos Irish national na si Pierre Zakrzewski at 24-anyos Ukrainian na si Oleksandra Kuvshinova ng paulanan ng mga Russian forces ang sasakyan nila sa labas ng Kyiv. Sinabi ni Blinken na […]
-
Warrant of arrest naisilbi na vs Quiboloy – PNP
NAIHAIN na ng Philippine National Police (PNP) ang 2 warrant of arrest sa kasong Child Abuse at Sexual abuse na ipinalabas ng Davao City Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo Quiboloy at 5 iba pang mga akusado, nitong Miyerkules. Ayon kay BGen Alden Delvo, Davao Region Police Director, […]