• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.

 

 

Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang matugunan ang nasabing mga banta.

 

 

Kaugnay nito, sinabi rin ni Carlos na ngayon pa lamang ay 100% nang handa ang PNP sa pagpapatupad ng seguridad sa lahat ng mga lugar na kanilang nasasaklaw.

 

 

Kabilang ang PNP sa mga partner agency ng Commission on Elections (Comelec) para matiyak na magiging maayos, mapayapa, at tapat ang gaganaping eleksyon sa darating na Mayo 9. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Di threat pag may lumilipat sa GMA: RITA, willing makipag-showdown kay ANGELINE sa kantahan

    SOSOSYO na si Rita Daniela sa chain of restaurants ni Ken Chan, ang Deer Claus Steakhouse and Restaurant.     Ano ang pakiramdam ni Rita na sa unang pagkakataon ay sasabak na siya sa pagne-negosyo?     “Ah masarap sa feeling, masarap sa puso,” bulalas ni Rita.     “Di ba? Tsaka parang… parang I […]

  • Myanmar, mahirap at mabigat na problema para sa Asean-PBBM

    ITINUTURING ng  Southeast Asian bloc ASEAN na ang labanan sa military-ruled Myanmar ang pinakamabigat at mahirap na isyu para tugunan.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na may maliit na progreso tungo sa resolusyon at tumitinding labanan.     Sa pagsasalita ng Pangulo sa isang forum sa Hawaii streamed live sa Pilipinas, winika […]

  • Ads March 9, 2020