PNP nagpaalala sa mga biyahero sa minimum health protocols
- Published on March 22, 2022
- by @peoplesbalita
PINAALALAHANAN ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health protocols kaugnay ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19.
Ito’y kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga bakasyunista sa mga tourist spots ngayong summer season o panahon ng bakasyon.
Ayon kay Col. Jean Fajardo ng PNP-Public Information Officer, dapat panatilihin pa rin ang pagsusuot ng face mask at palagiang magdala ng alcohol.
Sinabi ni Fajardo na asahan na ang presensya ng idedeploy na mga pulis sa mga beaches, mga kilalang destinasyon ng mga turista at mga simbahan sa panahon ng Semana Santa.
“I would like to remind our fellow Filipinos planning their trips to our beautiful tourist destinations here in the country to bring along the necessary protection against Covid-19,” ayon sa opisyal.
Una nang inianunsyo ni PNP Chief P/Gen. Dionardo Carlos ang pagdedeploy ng 17,000 personnels sa mga matatao at dinarayong lugar sa panahon ng bakasyon at Semana Santa.
Samantalang maglalagay rin ang PNP ng Help Desk at Police Assistance Posts sa mga lugar na pamosong destinasyon ng mga turista tulad ng Boracay Island sa Malay, Aklan.
-
‘TWBU’, nasa number 3 spot ng Netflix PH: ALDEN, masaya sa sunud-sunud na tagumpay ng mga projects sa GMA
MASAYA si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa sunud-sunod na tagumpay ng mga projects na ginawa niya sa GMA Network. Matapos mag-open last June 17 sa Netflix PH ang romantic-drama teleserye na The World Between Us, kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez, ang good news ay nasa number 3 spot na sila sa Top 10 shows. […]
-
Travel ban, pinalawig ng Pilipinas dahil sa Covid -19
PINALAWIG ng Pilipinas ang travel ban nito sa mga byahero na magmumula sa Pakistan, Bangladesh, Nepal at Sri Lanka sa gitna ng muling pagkabuhay ng bilang ng COVID-19 cases. Sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na ang mga biyahero mula sa mga nasabing bansa ay hindi papayagan na makapasok ng Pilipinas mula Mayo 7 […]
-
PBBM, tinukoy ang ‘indispensable role’ ng mga guro
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘indispensable role’ ng mga guro. Sa pagdiriwang kamakailan ng National Teachers’ Day, nanawagan ang Pangulo sa publiko na suportahan ang pagsusulong ng ‘inclusive education.’ “Our teachers lie at the heart of our educational system standing as the second parents of our children and molding them into […]