PNP: Online scammers kakalat ngayong Kapaskuhan
- Published on December 10, 2024
- by @peoplesbalita
PINAG-IINGAT ng Philippine National Police (PNP) ang publiko sa mga online transactions na posibleng samantalahin ng mga scammer habang papalapit ang Pasko.
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, inaasahan na ang paggamit ng online transactions ngayong holiday season kaya nakatutok ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) upang naiwasan at mapigilan ito.
Sinabi ni Marbil na maaaring maiwasan na maloko online kung ibeberipika muna ang mga transaction at umiwas sa mga kahina-hinalang links.
“Our operations target the syndicates behind these scams, but the public’s awareness and caution are crucial in preventing victimization,” ani Marbil.
Naniniwala si Marbil na maiiwasan naman na maloko kung beberipikahin ng buyer ang mga seller sa pamamagitan ng kanilang mga profile at ratings sa mga social platform.
Inatasan din ni Marbil ang pagpapaigting sa seguridad ng publiko laban sa iba’t ibang criminal activities kung saan sumasabay ang isyu ng political security bunsod ng nakaambang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
“Christmas is a season of joy and giving, but it is also a period when criminal elements may exploit public vulnerability. The PNP is committed to making this season safe and secure for all Filipinos,” dagdag ni Marbil.
-
Duque, DOH officials pinaiimbestigahan ng Ombudsman
Pinaiimbestigahan ng Office of the Ombudsman sina Health Sec. Francisco Duque III at iba pang opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) na may kaugnayan sa naging hakbang ng kagawaran sa laban kontra COVID-19 pandemic. Sinabi ni Ombudsman Samuel Martirez na ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang investigating teams na tututok sa umano’y […]
-
DE CASTRO, NANUMPA SA AKSIYON DEMOKRATIKO
NANUMPA na rin bilang miyembro ng Aksyon Demokratiko ang dating pangalawang pangulo ng bansa at announcer Noli de Castro. Pinangunahan naman ang oath taking ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tumatakbo naman bilang presidente sa 2022 elections. Nakatakdang maghain ng kanyang kandidatura sa Harbor Garden Tent Sofitel si […]
-
Nag-trending dahil sa ika-walong taon sa showbiz: MAINE, abala na sa preparasyon sa kasal nila ni ARJO
NAG-TRENDING si Maine Mendoza. Ang dahilan, ika-8th anniversary ni Maine sa showbiz. So most likely, ito ang pagpasok niya walong taon ang nakararaan sa Eat Bulaga. Kahit na sabihin pang sa ika-walong taon niya, wala na siya sa GMA-7 but instead, sa TV5 na with their noontime show, “E.A.T.” ipinagdiwang pa […]