• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP sa publiko: Pagdiriwang ng Pasko, limitahan lang sa ‘family bubble’

Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na limitahan lang sa tinatawag na family bubble ang pagdiriwang ng Pasko.

 

 

Ito’y sa gitna na rin ng pangamba na muling sumipa ang mga kaso ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) dahil sa mga pagtitipon habang papalapit na ang Pasko.

 

 

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, pinaiiwas nila ang mga tao sa pagdaraos ng tradisyunal na pagtitipon tulad ng Christmas party sa family reunion, trabaho at mga kaibigan bilang pag-iingat sa nakakamatay na virus.

 

 

Gayunman, kung hindi ito maiiwasan ay puwedeng limitahan na lamang ang pagtitipon sa maliit na pamilya at mga kaibigan na bakunado na laban sa COVID-19.

 

 

Muling nagpaalala ang PNP chief sa publiko na sumunod sa health protocol.

Other News
  • Estudyante, 6 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan at Valenzuela

    Timbog ang pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang 17-anyos na estudyante na na-rescue sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela at Caloocan cities.     Dakong 11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro […]

  • 1k na newly-hired contact tracers, magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo- Usec.Malaya

    TINATAYANG 1,000 newly-hired contact tracers ang magsisimula ng kanilang trabaho ngayong linggo.   Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesman Undersecretary Jonathan Malaya na mahigit sa 10,000 ang nag-apply bilang contact tracers kung saan mahigit 2,000 applications naman ang in-assessed ng DILG.   “Doon sa 5,754 […]

  • Bulacan, ipapatupad ang SEPO ng DENR, nagsagawa ng waterway clean-up activity sa Lungsod ng Meycauayan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng komemorasyon ng Earth Day, nagsagawa ang Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) kasama a ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at iba pang mga kinatawan mula sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng waterway clean-up activity sa […]