PNP: Seguridad sa Holy Week plantsado na
- Published on April 6, 2022
- by @peoplesbalita
ILANG araw bago ang Semana Santa, handang-handa na ang Philippine National Police (PNP) para sa pagbibigay ng seguridad ng mga biyahero at namamanata.
Sinabi ni PNP Chief PGen. Dionardo Carlos na inatasan na niya ang kanyang kapulisan na tutukan ang public safety at law enforcement operations simula sa Abril 10-17.
Paalala ni Carlos sa mga police commanders na siguraduhin ang police visibility sa mga lugar na tradisyunal na dinudumog ng mga tao sa panahong ito.
Partikular ang mga istasyon ng bus, paliparan, pier at iba pang transport hubs, kung saan ipinag-utos ng PNP Chief ang paglalagay ng mga Police Assistance Centers (PAC) para umalalay sa mga tao.
Inatasan din ni Carlos ang PNP Highway Patrol Group (HPG) na pangunahan ang paglalagay ng mga PAC sa tulong ng mga lokal na pulis, sa kahabaan ng Maharlika Highway at Phil. Nautical Highway para matiyak ang “road safety”.
Dagdag pa ni Carlos, kasabay ng pag-alalay sa mga biyahero, sisiguraduhin din ng PNP na nasusunod ang minimum public health standards depende sa antas ng alerto ng mga lugar na patutunguhan ng mga bibiyahe ngayong Semana Santa.
-
Binalik-balikan ang eksenang sinampal at buhusan ng juice: LEXI, naalala
BIGLANG naalala ng ‘Running Man PH’ contestant na si Lexi Gonzales ang namayapang aktres na si Cherie Gil. Kabilang kasi si Cherie sa umupong council noong ika-7th season ng ‘StarStruck’ kunsaan tinanghal si Lexi bilang First Princess. Nasa Korea si Lexi noong makarating sa kanya ang balitang pumanaw ang […]
-
TOM CRUISE AND CHRISTOPHER MCQUARRIE TEAM UP AGAIN FOR THEIR BIGGEST MISSION YET IN “DEAD RECKONING PART ONE”
FOR the filmmakers of Mission: Impossible – Dead Reckoning Part One, the latest installment is a love letter to the whole Mission series. “It’s absolutely that,” says Tom Cruise, who reprises his now iconic role of Ethan Hunt in the film, which he also produces. “People who haven’t seen the other Missions are going to enjoy […]
-
Sey ni SHAMCEY kay RABIYA: “You are already a winner no matter what”
LAST Tuesday, May 11, nakarating na rin si Shamcey Supsup-Lee (3rd Runner-Up sa Miss Universe 2011), ang director ng Miss Universe Philippines organization para suportahan ang ating pambato sa 69th Miss Universe na si Rabiya Mateo. Post ni Shamcey, “After 28 hours of travelling, 4 airports, countless security and health checkpoints, we are […]