PNP, umapela sa mga nagnanais magkasa ng mga kilos protesta na gawin ito sa tamang lugar
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
IGINAGALANG ng Philippine National Police o PNP ang karapatan ng bawat Pilipino na maghayag ng kanilang saloobin, salig sa itinatadhana ng Saligang batas.
Ito’y kasunod ng mga banta ng iba’t ibang grupo na magkilos protesta para tutulan ang isang partikular na kandidato na lumalamang ngayon sa bilangan.
Ayon kay PNP Director for Operations at Deputy Commander ng Security Task Force for National and Local Elections, P/MGen. Valeriano de Leon, hindi naman nila pipigilan ang anumang uri ng pagkilos lalo na kung ito’y paghahayag ng saloobin bilang bahagi ng demokrasya.
Gayunman, umaapela si de Leon sa mga nagnanais na magkasa ng mga pagkilos na maging mahinahon at tiyaking hindi ito makaaabala sa mas nakararami lalo pa’t balik normal na muli ang sitwasyon matapos ang Hatol ng Bayan.
Una rito, ibinabala ni PNP Officer-In-Charge, P/LtG. Vicente Danao Jr na sakaling may mga magmatigas pa rin at magpumilit na balewalain ang batas ay gagamitin ang kanilang buong puwersa para papanagutin ang mga nasa likod nito. (Daris Jose)
-
5 INARESTO NG NBI SA PAMIMILIT AT PANGINGIKIL
INARESTO ng mga ahente ng Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal dahil sa kasong Grave Coercion at Robbery Extortion. Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina Rowena Nava y Cuision, Jeffey Brequillo y Sanchez, Norman Solsona y Abella, Lando Banzon y Manio at Efren Dela […]
-
Kaya pa ba ng ‘anti-silos power’ ni Jak?: BARBIE at DAVID, iniintriga na dahil sobrang sweet sa isa’t-isa
TULOY na ang game at variety show ni Lucky Manzano na “It’s Your Lucky Day” ang papalit sa “It’s Showtime” habang ang popular noontime show ay nasa 12-day suspension na magsisimula na ngayong Sabado, October 14. Sa statement na inilabas ng ABS-CBN, sinabing si Luis ay sasamahan nina Robi Domingo, Jennica Garcia at […]
-
Bulacan airport magiging airport gateway sa Luzon
ANG bagong itatayong Bulacan airport ay isang proyektong makapagbibigay ng tulong sa programa ng pamahalaan upang lumuwag sa Metro Manila at mapalago ang regional development sa buong Luzon. Si Senator Go ang isa sa nag nag co-sponsored ng House Bill No. 7507 ang isa sa magbibigay sa San Miguel Aerocity Inc. ng franchise upang […]