• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP, walang nakikitang dahilan para bawiin ang suporta at katapatan sa Marcos Jr. administration

WALANG nakikitang dahilan ang Philippine National Police na bawiin ang suporta at katapatan ng buong hanay ng Pambansang Pulisya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

 

Ito ang binigyang-diin ni PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo kasunod pa rin ng naging panawagan ni Davao del Norte rep. Pantaleon Alvarez sa AFP at PNP na talikuran na ang Marcos Jr. administration sa kasagsagan ng inilunsad na rally ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Tagum City noong Abril 14, 2024.

 

 

 

Ayon kay PCol. Fajardo, walang basehan ang naturang mga panawagan Para alisan ng suporta ng kapulisan ang mga opisyal ng pamahalaan na iniluklok ng konstitusyon, at ito aniya ay kanilang iginagalang.

 

 

 

Kaugnay nito ay muling nilinaw ng naturang opisyal na ang katapatan ng PNP ay nasa taumbayan kasabay ng panawagang huwag nang idamay pa ang uniformed personnel sa ganitong uri ng mga isyu ng may kaugnayan sa usaping politikal.

Other News
  • Hindi pinangarap na maging sikat na sikat: JUDY ANN, inaming nawalan ng gana sa buhay kaya nagrebelde

    PARA sa ika-100 episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kahapon, Martes, espesyal ang naging bisita ni King of Talk Boy Abunda.   Ang multi-awarded actress na si Judy Ann Santos nga ang nakasama ni Kuya Boy para sa isang heart-to-heart talk.   Naging emosyonal ang premyadong TV host sa pagpapakilala sa tinaguriang Soap Opera […]

  • GERALD, nakatikim na naman ng panglalait mula sa netizens matapos mag-comment sa IG post ni DIEGO

    NA-BASH nang husto si Gerald Anderson nang mag-comment sa IG post ng kaibigan na si Diego Loyzaga few days ago na, “I promise to keep that smile on your face @msbarbieimperial.” Na kung saan mahigpit na yakap-yakap niya ang girlfriend na si Barbie Imperial. Reaction ni Gerald, “Sa th3rd floor mo ata natutunan mga ganyan […]

  • 94% ng NCR public schools, nakapag-full face to face classes na

    INIULAT ng Department of Education (DepEd) na 94% na ng mga public schools sa National Capital Region (NCR) ang na­kabalik na sa pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classses simula kahapon, Nobyembre 2.     Ito ay mahigit dalawang taon matapos ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic.     Base sa ulat ng DepEd-NCR, sinabi […]