• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNR: Huling biyahe sa March 28

HIHINTO ng operasyon ang Philippine National Railways (PNR) ng limang (5) taon upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

 

Ang huling biyahe mula sa Governor Pascual papuntang Tutuban at Tutuban hanggang Alabang ay sa darating na March 27. Inaasahang maaapektuhan ang may 30,000 na bilang ng mga pasahero sa Metro Manila na sumasakay dito.

 

 

 

“PNR services will be suspended to also ensure that passengers are safe while the construction of the NSCR is underway,” saad ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

 

 

 

May mga buses mula Tutuban hanggang Alabang at vice-versa ang inaasahang magsasakay at magbaba ng mga pasahero sa kahabaan ng ruta ng PNR. Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nagbigay ng mga prangkisa sa mga bus operators upang magkaron ng alternate na ruta sa paghinto ng operasyon ng PNR.

 

 

 

Ang southbound buses ay dadaan sa mga sumusunod na lugar: Divisoria (Tutuban), Mayhaligue Street, Abad Santos Avenue, Rector Avenue, Legarda Street, Quirino Avenue, Nagtahan Flyover, Mabini Bridge, Osmena Highway, Nichols Entry, SLEX, Bicutan Exit, Bicutan Entry, at Alabang (Starmall).

 

 

 

Samatalang ang northbound buses ay daraan naman sa mga sumusunod na lugar: Alabang (Starmall), Manila South Road, Alabang Entry, SLEX- Bicutan Exit, Nichols Exit, Osmena Highway, Quirino Avenue, Legarda Street, Recto Avenue, Abad Santos Avenue, Mayhaligue Street, at Divisoria (Tutuban).

 

 

 

Ayon kay undersecretary Jeremy Regino, ang operasyon ng PNR Metro Manila trains ay ililipat sa southern part ng Metro Manila.

 

 

 

“The loss of Metro Manila train operations will actually be the gain of the Southern Luzon and Bicol area. Slowly, we are fixing the south specifically the Calamba to Legazpi route,” wika ni Regino.

 

 

 

Sinabi ng DOTr na ang paghinto ng operasyon ay makakatulong upang maging madali at mabilis ang pagtatayo ng NSCR ng may 8 buwan kung saan ang pamahalaan ay makakatipid ng P15.18 bilyon sa gastos. Itatayo ang NSCR sa parehong alignment ng ginagamit ng PNR sa Metro Manila.

 

 

 

Kapag natapos na ang NSCR, ito ay tatakbo mula Clark sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna. Ito ay inaasahang makapagsasakay ng hanggang 800,00 na pasahero kada araw.

 

 

 

Ang NSCR ay isang “state-of-the-art” na 147 kilometrong rail line na makakatulong upang maging maigsi at mabilis ang paglalakbay mula Clark, Pampanga hanggang sa Calamba, Laguna ng may 2 oras.

 

 

 

Samantala, noong October 2022 pa bumalik ang operasyon ng Calamba-San Pablo, San Pablo-Lucena, at Naga-Ligao, Albay na ruta habang patuloy pa rin ang ginagawang pagkumpuni ng mga tulay at tracks sa kahabaaan ng nasabing ruta. Inaasahan din ng PNR na magkakaron ng operasyon ngayon 2024 ang biyaheng Calamba hanggang Legazpi sa Albay. LASACMAR

Other News
  • Quarantine wristbands inilunsad vs COVID-19

    Naniniwala ang Caloocan City government na malaking tulong ang paggamit ng quarantine wristbands simula ngayong Lunes para sa monitoring ng mga naging close contact ng mga pasyenteng may COViD-19.   Ayon kay Caloocan COViD-19 Command Center head Sikini Labastilla, ang paglulunsad ng quarantine wristband ay bunsod na rin ng pagsuway ng ilang close contact sa […]

  • Panlaban sa init, Valenzuela naglagay ng mobile showers

    DAHIL sa sobrang init na nararanasan sa lungsod at kakulangan ng tubig sa ilang lugar, naglagay ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ng dalawang mobile shower, sa ilalim ng kanyang “pWEStong Presko: Libreng Shower Ngayong Tag-init,” upang makatulong na makayanan ang kasalukuyang sitwasyon.       Ngayong taon, sunud-sunod na […]

  • Minsan nang ikinahiya ang amang nakakulong: FAITH, matagal nang napatawad ang dating aktor na si DENNIS

    PINATAWAD na pala ng Sparkle actress na si Faith da Silva ang kanyang amang si Dennis da Silva. Naging emotional si Faith sa pagsabi na pinatawad na niya ang kanyang ama sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’. Inamin din niya na minsan na niyang ikinahiya ang kanyang amang nakakulong. “Actually medyo matagal-tagal nang napatawad ko […]