• March 19, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quarantine wristbands inilunsad vs COVID-19

Naniniwala ang Caloocan City government na malaking tulong ang paggamit ng quarantine wristbands simula ngayong Lunes para sa monitoring ng mga naging close contact ng mga pasyenteng may COViD-19.

 

Ayon kay Caloocan COViD-19 Command Center head Sikini Labastilla, ang paglulunsad ng quarantine wristband ay bunsod na rin ng pagsuway ng ilang close contact sa kanilang mga instruction na manatili sa tahanan o sa mga quarantine faci­lity habang naghihintay sa kanilang test results.

 

“Maraming tini-test na hindi nagpapaiwan sa bahay. Pagala-gala sila,” saad ni Labastilla.

 

Kailangan aniya nilang gumawa ng pa­raan upang ma-contain ang mga ito sa bahay o sa quarantine facility.

 

Mula sa cellular phone, ang impormas­yon sa lokasyon ng mga close contact ay maipapadala sa COVID-19 Command Center.

Other News
  • Ads April 23, 2022

  • PDu30, opisyal nang pinagbawalan ang mga Cabinet officials na dumalo sa Senate Pharmally probe

    OPISYAL nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga opisyal at empleyado ng executive department na tigilan na ang pagdalo sa Senate investigation ng P8 billion medical supply na binili ng pamahalaan mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.   Ang kautusan ay ipinalabas sa pamamagitan ng October 4 memo na tinintahan ni Executive Secretary Salvador […]

  • Travel ban sa ilan bansa na nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant, extended-Sec. Roque

    EXTENDED ang ang travel ban sa ilang mga bansang nakitaan ng mataas na kaso ng Covid -19 at may Delta variant.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hanggang Hulyo 15 ang pag-iral ng travel ban sa mga bansang tulad ng United Arab Emirates, India, Pakistan, Sri Lanka at Bangladesh.   Hindi naman nabanggit niSec. […]