• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POC idineklarang ‘persona-non-grata’ si PATAFA pres. Juico

Idineklara ng Philippine Olympic Committee (POC) bilang persona non grata si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) chief Philip Ella Juico matapos ang naganap na alitan nito kay pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena.

 

 

Ayon kay POC president Abraham Tolentino, na kanilang inaprubahan ang naging rekomendasyon ng Ethics Committee na nagdedeklarang persona non-grata si Juico sa isinagawa nilang POC Executive Board meeting sa lungsod ng Pasay.

 

 

Dahil dito ay hindi na kinikilala ng POC si Juico bilang pangulo ng PATAFA.

 

 

Paglilinaw nito na kanila pa ring kinikilala ang asosasyon ng PATAFA.

 

 

Base kasi sa imbestigasyon ng Ethics Committee na malinaw na ‘hinarassed” ni Juico si Obiena sa pamamagitan ng pagsasa-publiko ng kaniyang alegasyon.

 

 

Nagkasundo ang 11 sa 15 miyembro ng POC Executive Board na aprubahan ang committee recomendations na ito ay kanilang ira-ratify sa General Assembly sa pagpupulong nila sa Enero.

 

 

Tiniyak ni Tolentino na magrerepresent pa rin ang 26-anyos na si Obiena sa mga torneo na gaganapin sa ibang bansa kabilang ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi sa Mayo at 19th Asian Games sa Huangzhou sa Setyembre.

 

 

Magugunitang inakusahan ni Juico si Obiena na pineke umano nito ang liquidation para sa pagpapasahod sa coach nito at ipinapabalik sa kaniya ang nasa P4-milyon na budget.

Other News
  • General at colonels na nakapagsumite na ng courtesy resignation, sasailalim sa lifestyle check

    INIHAYAG ng Philippine National Police na sasailalim sa lifestyle check ang mga general at colonel ng pulisya na nagsumite na ng kanilang courtesy resignation.     Ayon kay Philippine National Police Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang lifestyle check ay bahagi ng pagsisikap ng five-man committee na magsusuri sa courtesy resignations at magrerekomenda kay […]

  • Ads March 7, 2020

  • Mavs nakaiwas sa sweep ng Warriors

    NAGPOSTE si Luka Doncic ng 30 points, 14 rebounds at 9 assists pa­ra igiya ang Mavericks sa 119-109 paggiba sa Gol­­den State Warriors at makaiwas mawalis sa Wes­­tern Conference finals.     Ito ang ika-10 double-double ni Doncic sa kan­yang 14 games sa post­sea­son para sa 1-3 agwat ng Dallas sa kanilang best-of-seven series ng […]