• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pogi’, 1 pa nadakma sa Malabon drug bust

KALABOSO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P80K halaga ng shabu nang matimbog ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong suspek na sina alyas Jelan, 22 at alyas Pogi, 47, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Baybayan na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation matapos ang natanggap impormasyon hinggil sa umano’y drug activities ng mga suspek.
Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng droga sa mga suspek at nang tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagsilbing poseur-buyer kapalit ng isang plastic ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba dakong alas-2:00 madaling araw sa kanto ng General Luna at Rodriguez Sts., Brgy. Bayan-bayanan.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P81,600.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Malabon police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • MMDA nilunsad ang P300 M na command center

    NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.       Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes.     […]

  • ‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko

    PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.     Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantala ang mga may pakana sa online modus.     Kaugnay nito, […]

  • Matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer: Ama ni LIZA na si ex-DILG undersecretary Martin Diño, pumanaw na

    PUMANAW na kahapon, ika-8 ng Agosto, ang 66 year-old father ni Liza Diño-Seguerra na si former Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Dino matapos ang pakikipaglaban sa stage 4 cancer.     Sa kanyang FB post, kinumpirma ng former chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang malungkot na balita.   […]