• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pogoy kinilala ng FIBA

Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas player Roger Ray Pogoy na napansin ito sa international arena at nabigyan pa ng titulo bilang most improved players ng FIBA.com.

 

Ayon sa FIBA, hinirang nila si Pogoy base sa statistic record nito sa FIBA Asia Cup 2017 hanggang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers first window noong Pebrero.

 

Base sa record ng FIBA, sa unang windows ay kumamada ito ng average na 16 points at anim na rebounds sa loob ng 22.8 minutes na paglalaro.

 

Nagpakita umano ito ng improvement mula sa average na 7.0 points at 3.5 rebounds sa 2017 FIBA Asia Cup.
Sinabi ng FIBA na isa si Pogoy sa itinuturing na malaking tulong sa depensa na kayang magpuntos at mahalaga sa Gilas at maikukumpara sa kapwa Gilas player na si Jayson Castro.

 

Bukod kay Pogoy, hinirang din most improved players sa Asya sina Muin Bek Hafeez ng India, Hassan Abdullah ng Iraq, Maxim Marchuk ng Kazakhstan, Jordan Ngatai ng New Zealand, Abdelrahman Yehia Abdelhaleem ng Qatar at Abdulwahab Alhamwi ng Syria.

Other News
  • MMDA, nag-deploy ng mga bus, military truck para sa ‘Libreng Sakay’

    PINAIGTING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang kanilang  “Libreng Sakay”  sa kahabaan ng  Commonwealth Avenue sa  Quezon City upang ma- accommodate ang mas maraming mananakay lalo na ang mga estudyante matapos ang pagpapatuloy ng in-person classes.     Sa isinagawang  actual dispatch, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na nag-deploy ang ahensiya […]

  • Health Centers sa Maynila, bubuksan para sa bakunahan

    Bubuksan  na rin at gagamitin ang mga barangay health centers sa Maynila para sa ‘vaccination drive’ upang mas maabot umano ang mga hindi pa nababakunahan na residente.     Ito ang inihayag ni Manila City Mayor Isko Moreno kahapon dahil sa ‘saturated’ na umano ang bakunahan sa Maynila at kakaunti na lamang ang hindi natuturukan. […]

  • Horror Filmmaker James Wan at the Helm of Killer-Doll Movie “M3GAN”

    FROM the most prolific minds in horror—James Wan, the filmmaker behind the highly-successful “Saw”, “Insidious” and “The Conjuring” franchises, and Blumhouse, producer of the “Halloween” films, “The Black Phone” and “The Invisible Man”—comes “M3GAN”, the fresh new face in terror.  “M3GAN” is a marvel of artificial intelligence, a life-like doll programmed to be a child’s […]