• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pogoy nakatakda na sa tahimik na buhay

BUHAT sa may siyam na taon at 10 buwang pagiging magdyowa, engaged na si Philippine Basketball Association (PBA) at Gilas Pilipinas star Roger Ray ‘RR Pogoy at ang kasintahang si Love Portes.

 

 

“Thank you Lord! She said yes!” caption ng TNT at national men’s basketball team shooter sa kanyang Instagram post nito lang isang araw.

 

 

Pinaskil din ng 28 taong-gulang at 6-2 ang taas na guard/forward na kasama nila ang magkabilang mga pamilya nila sa nangyaring planong pagpatali na ng nagmamahalan.

 

 

Maging ang fiancee ni Pogoy may pinaskil din sa kanyang IG story.

 

 

“Whoe day the weather is not good. It was raining. Yet God gave us this perfect clear city view. It was indeed ordained by God. Yeeey thank you Lord,” caption niya.

 

 

Marami ang natuwa at nagreaksiyon sa bagong naabot na ito ng basketbolistang tubong Minglanilla, Cebu at papasok na sa Abril 9 sa panlimang taon niya bilang pro cager o paglalaro sa PBA.

 

 

“Congratulations brother!” tugon ni Tropang Giga teammate Bobby Ray Parks, Jr. (REC) 

Other News
  • Gilas, sa Qatar na tutungo para sa February window ng FIBA qualifiers

    Idaraos na sa Doha, Qatar ang mga laro ng Gilas Pilipinas para sa ikatlo at huling window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifier.     Kung maaalala, napilitan ang Pilipinas na umatras sa hosting ng mga laro ng Group A at C sa Clark, Pampanga dahil sa travel ban na ipinataw ng pamahalaan.     […]

  • MANDATORY TESTING ng PMVIC PINILIT BUHAYIN. ITINAON PA MISMO sa SIMULA ng LOCKDOWN! MAY BALAK TULOY NA BOYKOT!

    Mga Transport groups at mga motorista naghahanda na ng pag-boykot sa PMVIC!!!     Magaling din tumayming ang LTO sa pagpapalabas ng isang kontrobersyal na memorandum ng List of Geographical Areas of Responsibility (GAOR)for authorized private motor vehicle inspection centers (PMVICs).     Inilabas ang memo nitong August 6, 2021, ang simula ng lockdown sa […]

  • Sen. BONG, KIM at ANGEL, kasama sa unang makatatangap ng Isah V. Red Award sa ‘4th EDDYS’

    TULOY na tuloy na sa Marso 22 ang pagbibigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa mga de-kalidad at natatanging pelikula ng 2020.     Virtual gaganapin ang 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) kung saan maglalaban-laban ang mga de-kalibreng pelikulang Filipino na ipinalabas sa iba’t ibang platforms sa kabila ng Covid-19 pandemic. […]