• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

POKWANG, Kapuso artist na rin after lumipat sa Kapatid network; ano kaya ang magiging project?

ANO kaya ang programang ibibigay ng GMA 7 sa bagong Kapuso artist na si Pokwang?

 

 

After lumipat sa Kapatid network ay official Kapuso artist na ang komedyana matapos na ito ay pumirma sa GMA 7.

 

 

Siya ang latest sa mga dating Kapamilya talents na lumipat ng tahanan at tinanggap bilang mga bagong Kapuso.

 

 

Kabilang din sa bagong Kapuso ang former Hashtag member na si Luke Conde.

 

 

Nag-renew naman ng kanyang GMA Network contract si Yasser Marta na huling napanood sa seryeng Bilangin ang Mga Bituin bilang partner ni Kyline Alcantara.

 

 

***

 

 

MAY bagong movie si Direk Erik Matti titled A Girl and A Guy na ipalalabas sa Upstream.ph bilang bahagi ng Upstream Original.

 

 

Tungkol daw sa Generation Z ang pelikula at bida rito sina Candice Ramos, Sarah Holmes, Alexa Miro at Rosh Barman. 

 

 

Makilala raw natin ang Gen Z thru this movie at ang kanilang pagiging reckless. Pero hindi raw niya ipinasok sa movie ang kanyang opinion about Gen Z kundi ipinakita lang niya ang mundo ng mga kabataan ngayon, na ibang-ibang sa nagdaang henerasyon.

 

 

Hindi rin hinuhusgahan ni Direk Erik ang Gen Z kundi ginawa niya ang pelikula pero ipahayag ang kwento ng mga ito. In the process, naunawaan niya how different the Gen Z people are. Mas naintindihan daw niya ang mga ito.

 

 

“I also didn’t put my own words into their story, na parang I am apologizing for them. I accept them and I don’t want to judge them. Kung ano ang makita ninyo sa movie, that’s how the Gen Z’s are. Ganyan sila mag-isip. I can tell the movie this way,” pahayag pa ni Direk Erik.

 

 

Ang mahirap lang daw sa movie, marami raw itong sex and nudity, graphic sex. Pero kailangan daw ni Direk Erik na mag-balancing in dealing with the sexy scenes and nudity. Kung may nudity ang babae, may nudity rin ang lalake. The last film na ginawa niya with nudity was Rigodon.

 

 

“If you want to tell the story of Gen Z, dapat walang censorship,” sabi pa ng award-winning director.

 

 

Puring-puri rin niya ang kanyang amazing cast na buong-buo ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya.

 

 

“I told what I need for the roles. Pero sinabi ko rin sa kanila na, in terms of nudity, I can’t tell them what will be seen. Are they ready for it? Lahat naman sila said yes and they trust me.”

 

 

Naintindihan naman daw ng cast ang intention niya sa pelikula. “My cast are made up of actors who are raw but they are instinctive. They easily get what I want and they are intelligent actors kaya it was such a delight to work with them.”

 

 

Needless to say, naibigay ng kanyang cast kung ano ang kailangan niya sa pelikula and Direk Erik couldn’t be happier.

 

 

“It’s a brave movie but you have to see beyond the nudity. The nudity is secondary to the whole movie. After watching the film, you will fall in love with this generation,” pagwawakas pa ng premyadong director.

 

 

A Girl and A Guy will be streamed sa Upstream.ph simula June 24.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • 22.9 milyon benepisaryo ang mabibigyan ng ayuda sa ECQ areas

    AABOT lamang sa 22.9 million beneficiaries ang mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan sa ilalim ng Expanded Social Amelioration Program (SAP).   Ang mga benepisaryong ito ay nasa lugar ng nasa ng ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa loob ng isang linggo.   Sinabi ni DBM Sec. Wendel Avisado na base ito sa population statistics […]

  • Marcos sa LGUs: Maglagay ng common area sa fireworks display

    UPANG mabawasan ang pinsala na dulot ng paputok, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga local government units (LGUs) na maglagay ng common area para sa fireworks display sa pagsalubong sa Bagong Taon.     Ayon sa Pangulo, mas makakabuti kung gagawa na lamang ang mga LGUs ng magandang fireworks display na panonoorin ng […]

  • Kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling , pinuri ni Speaker Martin Romualdez

    PINURI ni Speaker Martin Romualdez ang pinaigting at walang humpay na kampanya ng pamahalaan laban sa smuggling habang pinasalamatan naman nito ang law enforcement agencies dahil sa dininig ng nila ang kanyang panawagan na i-raid ang mga warehouses na pinaghihinalaang nasa likod ng pagho-hoard ng sibuyas at bawang.     “Kinausap natin ang ating law […]