• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Poland naalarma sa missile attack ng Russia sa border, NATO member countries inalerto

NANINIWALA ang deputy foreign minister ng Poland na si Marcin Przydacz, na ang missile attack ng Russia malapit sa kanilang border ay bahagi ng banta sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

 

 

Una nang napaulat na 35 katao ang patay sa naturang missile strike sa Yavoriv training base, may 20 kilometro lamang ang layo sa border ng Poland.

 

 

Ayon sa opisyal ng Poland, masyado umanong malaking probokasyon ang naturang ginawa ng Russian forces.

 

 

Naniniwala pa ang deputy foreign minister na tiyak namand alam ng Russia na ang naturang military bases ay masyadong malapit na sa Polish border.

 

 

Giit pa nito, nagpapakita lamang daw ito na ang ginawa ng Russia ay bahagi ng pagbabanta sa NATO at nais nilang magparating ng mensahe.

 

 

Una rito, si US Secretary Antony Blinken ay mariin kinondena ang Russian Federation sa naturang pangyayari.

 

 

“We condemn the Russian Federation’s missile attack on the International Center for Peacekeeping and Security in Yavoriv, close to Ukraine’s border with Poland. The brutality must stop.”

Other News
  • Nora, nakatakdang gawin ang short film na ‘Henerala Salud’

    NAKATAKDA palang gawin ni Superstar Nora Aunor ang Henerala Salud na life story ng former beauty queen from Cabuyao, Laguna, who turned rebel against the Americans.   Ayon kay Nanding Josef, Artistic director ng Tanghalang Pilipino, ang magpu-produce ng short film on the 67-year-old Salud Algabre, ay ang Tanghalang Pilipino (TP), in time for the […]

  • Mga atleta sasailalim sa 2 drug test bawat taon

    PAPASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo’t huling pagbasa ang panukalang magpapalakas sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165) para masugpo ang bawal na gamot sa paggamit.     Kumikom ng boto ang House Bill 7814 ng 188 ang pabor, 11 ang mga tumutol at 11 naman ang abstention sa […]

  • Tumanggap ng cash na ipinapamahagi ng mga kandidato, mananagot din sa batas – Comelec

    NAGBIGAY agad ng paglilinaw ang Commission on Elections (Comelec) sa Kontra Bigay na binuo ng komisyon kontra pa rin sa vote buying sa halalan.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, ang Kontra Bigay ay hindi lamang limitado sa pamimigay. Aniya, para raw itong ‘it take two to tango’ o mananagot din sa batas […]