• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Poland, pinagtibay ang suporta para sa defense cooperation sa Pinas, pinanindigan ang int’l law

SA pagdiriwang ng National Day ng Republic of Poland, muling inulit ng Embassy of Poland sa Pilipinas ang commitment ng Polish government na palakasin ang defense cooperation, panindigan ang rules-based order, at bigyang-diin ang kahalagahan ng international law sa loob ng rehiyon.

 

Sa pagsasalita sa naturang event, sinabi ni Anna Krzak-Danel, Chargeé d’Affaires a.i. ng Embassy of Poland sa Maynila na “The Philippines can count on our support as we look forward to enhancing political dialogue between our countries.”

 

Bilang member state ng European Union, pinanindigan ng Poland ang arbitral ruling na nagpapawalang-bisa sa pinalawak na pag-angkin ng Tsina sa West Philippine Sea.

 

Idagdag pa rito, ang Poland ay naging ‘instrumental’ sa pagsu-suplay sa Pilipinas ng Black Hawk helicopters at lumitaw na isa sa top trading partners ng bansa sa hanay ng EU nations noong 2023.

 

Ipinahayag din ni Krzak-Danel ang determinasyon ng Poland na palakasin ang defense cooperation sa Pilipinas, kabilang na ang potensiyal na partnership sa maritime security at iba pang kaugnay na aktibidad, may plano na mas paghusayin at palakasin ang kakayahan ng militar.

 

“We plan to increase this further to expand the current administration’s military capabilities,” ayon kay Krzak-Danel.

 

Samantala, bilang tugon, nagpaabot naman ng kanyang pagbati si Philippine Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Jesus Domingo sa Poland sa National Day nito at nagpasalamat sa suporta ng Polish government at paninindigan sa geopolitical situation sa Indo-Pacific region. (Daris Jose)

Other News
  • ‘TOKHANG’, hindi dapat maging ‘SILENCE TRUTH’- PBBM

    HINDI dapat pigilan ang paghahanap ng katotohanan ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasabay ng pagpapaalala sa mga opisyal ng pamahalaan na maayos na gampanan ang kanilang tungkulin na protektahan ang bansa at ang Saligang Batas.     Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng matinding bigwas ng mga banta ni Vice President […]

  • Ilang mga bansa pumayag na maglagay ng sundalo sa border ng Ukraine at Russia

    NADAGDAGAN pa ang mga bansa na pumayag na maglagay ng kanilang sundalo sa Eastern European NATO countries bago pa man ang potensiyal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.     Ilan sa mga dito ay ang Romania, Bulgaria at Hungary na maglalagay ng tig-1,000 mga sundalo sa Baltic states at Poland.     Nauna ng […]

  • CATRIONA, nasa Amerika kasama si SAM nang makansela ang ‘SNL’; TikTok account verified na

    NA–VERIFY na ang TikTok account ni Miss Universe 2018 Catriona Gray at nag-post siya ng video para i-celebrate ito.     Imbes na maging glamorosa si Queen Cat, pinili niyang mag-no make-up para mas natural na lumabas ang ganda niya.                                               “I live for glam moments but, I feel prettiest when I’m just… ? […]