• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Political amendment proposals, huwag pansinin

Hinikayat ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na huwag pansinin ang political amendment proposals ni presidential adviser at ex-senatorial candidate Larry Gadon.
“I urge Speaker Romualdez to completely disregard Gadon’s letter (proposing political amendments),” ani Rodriguez, chairman ng House committee on constitutional amendments.
Naniniwala ito na ibabasura din lamang ng pinuno ng Kamara ang naturang liham dahil matagal nang sinabi nito na sususortahan lamang ng kamara ang panukalang economic Charter reforms.
Bilang presidential adviser, sinabi nito na dapat pakinggan ni Gadon ang pahayag ng pangulo.
Matatandaan aniya na sa isinagawang speech ni Pangulong Marcos sa Philippine Constitution Association noong Pebrero 8, sinabi ng presidente na isinusulong lamang niya ang economic amendments.

isa si Rodriguez sa mga co-authors ng Resolution of Both Houses (RBH) No. 7, na nagsusulong sa economic Charter change proposals na mag-aamyenda lamang sa probisyon ng public utility, higher education at advertising. Habang ang senate version naman ay RBH No. 6.

“As a co-author of RBH 7, I will never support political amendments,” ani Rodriguez.

Kabilang sa mga panukala ni Gadon na political amendment ay ang pagbabago sa termino ng mga local officials at kongreso mula tatlong taon sa anim na taon, kahalintulad sa termino ng President, Vice President at senators, upang magkakaroon lamang ng eleksyon tuwing anim na taon sa halip na kada tatlong taon. (Vina de Guzman)

Other News
  • Sec. Duque, sinalungat ang isyu na humuhupa na ang banta ng CoVid -19 sa bansa

    PINALAGAN ni Health Sec Francisco Duque ang ulat na unti -unti nang humuhupa ang banta ng CoVid 19 at nagiging stable na ang sitwasyon sa mundo   Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ng kalihim na hindi pa sapat ang mga datos at pabago-bago pa ang sitwasyon para sabihing nagiging mabuti na ang lahat […]

  • DOTr at Land Bank lumagda sa kasunduan para sa transport projects

    ISANG kasunduan ang nilagdaan sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at Land Bank of the Philippines (LBP) tungkol sa anim (6) na proyekto na nauukol sa transport modernization at assistance projects.   Kasama sa mga nasabing proyekto ay ang mga sumusunod: North- South Commuter Railway Extension (NSCR-Ex) Appraisal Project; Resettlement Action Plan Entitlements Distribution […]

  • Salamat sa P128-B pondo para sa PNP Revitalization & Capability Enhancement Program

    Lubos na nagpasalamat si PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtiyak ng mga mambabatas na maipasa ang P128-B Revitalization and Capability Enhancement Program.     Ito ang inihayag ni Eleazar sa kaniyang pagdalo sa pagdinig sa Committee on Public Order and Safety ng Kongreso kung saan inaprubahan ang Revitalization and Capability Enhancement […]