Pondo ng mga Olympic bound athletes nailabas na – PSC
- Published on March 20, 2021
- by @peoplesbalita
Inilabas na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga allowances ng mga atleta at coaches na sasabak sa Tokyo Olympics.
Ayon sa PSC na nailabas na nila ang allowances ng mga atleta para sa buwan ng Enero habang kasalukuyang pinoproseso ang allowance nila ng Pebrero.
Kapag naisumite na ang mga kakailanganing dokumento ay agad nilang ibibigay na ang allowances ng mga atleta.
Nauna rito ibinunyag ng Pinay boxer na si Irish Magno na wala pa silang natatanggap na allowance ng dalawang buwan.
Sinuportahan naman nito ng kapwa boksigero na si Eumir Marcial.
Nauna ng binawasan ng gobyerno ang allowance sn mga atleta noong kalagitnaan ng 2020 para bigyan daan ang paglaban sa COVID-19.
Muling ibinalik ito ng PSC matapos na matanggap nila ang pondo na P180-milyon sa ilalim ng Bayanihan Act 2.
-
Briones, ikinalugod ang posibilidad na pag-upo ni Sara Duterte bilang DepEd chief
WELCOME kay incumbent Education Secretary Leonor Briones ang posibilidad na pangunahan ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang Department of Education (Deped). Inanunsyo kasi ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang “eventual Cabinet post” ni Duterte sa ilalim ng kanyang “eventual administration.” Kapwa nanguna sina Marcos at […]
-
Pinay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz nakabawi, wagi pa rin ng gold medal sa 55kg women weightlifting
MULING nag-uwi ng Gold ang Olympics gold medalist na si Hidilyn Diaz sa pagdepensa niya ng kanyang women’s 55 kgs weightlifting title kahapon Biyernes sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Nagsimula ang laro ni Diaz dakong ala-1 ng hapon oras sa Pilipinas sa Hanoi Sports Training and Competition Center. […]
-
MRT 3 at LRT: bawal mag-usap at gumamit ng cellphone sa loob ng trains
Pinagbawal ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) at Light Rail Transit Line 1 (LRT 1) ang paggamit ng cellphones at mag-usap sa loob ng dalawang rail lines. Sa isang advisory mula sa MRT 3 sinabing ang polisiya ay upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa mga pasahero at sa loob ng […]