Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello
- Published on July 2, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.
“Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit ngayon lamang ay ibalik natin ito sa kanila, ‘wag nating galawin yung pera nila,” wika ni Bello.
Humihingi ang OWWA ng P5 bilyon pisong supplemental budget mula sa kongreso upang mapalawig ang kanilang pondo dahil sa banta ng bankruptcy kung magpapatuloy sa paggastos para sa pagkain, accommodation at transportasyon ng mga napauwing manggagawa hanggang taong 2021.
Sa isinagawang Senate hearing noong nakaraang linggo, sinabi ni OWWA chief Hans Leo Cacdac na ang pondo ng ahensya na P18.79 bilyon ay inaasahang babagsak sa P10 bilyong hanggang matapos ang taon hanggang sa bumaba ito ng P1 bilyon hanggang matapos ang 2021 kung patuloy na magkakaroon ng mga OFW na mawawalan ng trabaho at mapapauwi.
Batay sa tala, gumastos na ang OWWA ng P800 milyon para sa repatriation, accommodation at tulong pinansyal para sa mga umuwing OFW na apektado ng Covid 19, ayon kay Cacdac.
Sinabi pa ni Bello na ang pondo ng OWWA ay dapat na ginagastos para sa pangangailangan ng mga miyembro tulad ng livelihood o kung balakin nilang magtayo ng sariling negosyo at para sa edukasyon ng kanilang mga anak.
“Dapat gobyerno ang magbigay ng pera para matiyak natin na lahat ng kailangan ng ating mga OFW ay matugunan natin… Bakit naman, for the first time na hihingi naman sila ng tulong, nangangailangan sila ng tulong, bakit naman kailangan nating galawin yung pondo nila?… ‘Wag natin gamitin ang pera na ‘yan sa panahong ito,” ayon sa kalihim.
“Ang gobyerno ay dapat na gumawa ng pamamaraan upang matiyak ang karagdagang pondo upang matulungan ang ating mga OFW,” dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na, “Huwag nating hayaan na maramdaman ng OFW na tinitipid sila sa kabila ng napakalaki nilang naitulong sa ekonomiya natin in the good and in the best of times.”
Ayon kay Bello, tinatayang nasa 90,000 OFW ang stranded sa ibang bansa, naghihintay ng repatriation, habang ang nasa 63,000 ay napauwi na sa bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Bulacan, wagi sa Good Financial Housekeeping
LUNGSOD NG MALOLOS- Humakot ng parangal ang Lalawigan ng Bulacan kasabay ng paggagawad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, 21 bayan at tatlong lungsod ng 2019 Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government. Nagawa ng mga pumasang lokal na pamahalaan na tumalima sa Full Disclosure Policy o ang pagpapaskil ng dokumentong […]
-
Palaisipan kung para saan ang pagmamaneho ng jeep: DINGDONG, labis-labis ang pasasalamat sa suportang nakuha para sa ‘Family Feud’
LABIS-LABIS ang pasasalamat ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, dahil after two weeks pa lamang siyang nagho-host ng Family Feud ay grabe na ang suportang nakuha nila sa mga televiewers. “Moment of joy po ang nararamdaman ko, and I’ll be forever grateful for the opportunity to bring joy and laughter to all our […]
-
P150K shabu nasamsam sa Malabon drug bust, 4 timbog
MAHIGIT P150K halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang ginang matapos maaresto sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon City. Ayon kay Malabon chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-10:00 ng gabi nang maaresto ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa buy bust operation sa […]