• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pondo para sa Manila Bay ‘white sand’ project hindi maaaring i-realign para sa pagtugon sa COVID-19 –Malakanyang

HINDI maaaring i-realign ng pamahalaan ang P389-milyong pondo na nakalaan para sa Manila Bay “white sand” project para sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nasimulan na ang Manila Bay white sand project kaya kinakailangan nang tapusin ito sa kabila ng kritisismo mula sa University of the Philippines Marine Science Institute.

 

Sinabi kasi ng nasabing unibersidad na “expensive project” ang rehabilitasyon ng Manila Bay kung saan hindi naman daw marereSolba ang environmental problems dito (Manila Bay) kahit pa binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

Giit ni Sec. Roque na tanging ang mga pondo para sa mga proyektong hindi pa naiimple- menta ang maaaring i-divert sa COVID-19 response.

 

“Nasimulan na po iyan eh, so kinakailangan tapusin na po iyan,” ayon kay Sec. Roque.

 

Binigyang diin ng kalihim, bahagi lamang ang white sand project sa buong programa ng pamahalaan para sa rehabilitasyon ng Manila Bay na ipinanukala noong nakalipas na dalawang taon at nabigyan ng pondo sa 2019 national budget.

 

“Iyong budget po kasi diyan, hindi lang siya budget actually for the beach nourishment, it’s actually for the entire program of government in rehabilitating Manila Bay. And as I said, itong project na ito was proposed two years ago, included in last year’s budget and only being imple- mented,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • Ayos may liga na ang mga eba

    SIGURADONG malaki ang maitutulong ng Women’s National Basketball League (WNBL) para umangat  sport na ito sa bansa.   Binindisyunan na ng Games and Amusement Board (GAB) ang WNBL pati ang National Basketball League (NBL) para maging mga propesyonal na mga liga na rin gaya ng Philippine Basketball Association (PBA).   “Basically the reason why we […]

  • WHO hindi pa rin inirerekomenda ang mga international travel

    Patuloy pa rin ang paalala ng World Health Organization (WHO) na hindi pa rin ligtas ang mga international travel.     Ayon sa WHO Europe Director Hans Kluge na lahat ng uri ng bakuna ay epektibo sa anumang uri ng variants pero nararapat na maging maingat at kung maaari ay iwasan ang bumiyahe muna sa […]

  • P100K matatanggap ng magkakampeon sa chess

    BINUKSAN na kahapon ang may tatlong araw na 4th annual Chooks-to-Go National Rapid Chess Championships 2021 na nilalaro via online.     “The event aimed to develop good thinkers through the understanding of chess strategies and tactics,” ani Bounty Agro Ventures  Inc. president at teneral manager Ronald Daniel Mascariñas. “The tournament is also a fund […]