Pondo sa rehabilitasyon, kabuhayan ng quake victims tiniyak ni Romualdez
- Published on November 21, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na hahanapan ng administrasyong Marcos ang ilang daang milyong pisong kakailanganin para sa rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, fish port, at ibang imprastrakturang nasira ng 6.8 magnitude na lindol sa Southern Mindanao nitong nakalipas na Biyernes.
Ito ang paniniyak ni House Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo matapos personal na magtungo sa General Santos City at Sarangani kahapon alinsunod sa direktiba ni Speaker Romualdez na alamin ang kalagayan ng mga residenteng naapektuhan ng lindol.
“Ang instruction sa atin ni Speaker Romualdez tiyakin na mahahanapan ng pondo ang rehabilitasyon ng mga nasirang lugar at pagkakaloob ng kabuhayan sa mga naapektuhan,” ayon kay Tulfo na agarang nagbigay ng updates kay Speaker Romualdez, nakasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa katatapos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Estados Unidos para kumuha ng bagong mamumuhunan sa bansa, kaugnay sa nangyaring lindol.
“Marami talaga ang nasira. Hindi lang mga tulay at kalsada, lumubog din ang malaking bahagi ng Glan Fish Port. Sa Sarangani pa lang ang initial estimate P200 milyon ang kakailanganin. Hinihintay pa natin ang ibang assessment pati sa General Santos City at Davao Occidental. Ilang daang milyong piso ang kakailanganin natin para sa ating mga kababayan,” ani Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na patuloy rin ang ginawang pamamahagi ng Tingog Party-list ng relief goods sa naapektuhang mga residente ng lindol sa General Santos City at Sarangani. (ARA ROMERO)
-
Pfizer at BioNTech pumayag na babakunahan ang mga atleta na sasabak sa Tokyo Olympics
Nagsama ang Pfizer at German company na BioNTech SE na magdonate ng ilang doses ng kanilang COVID-19 vaccine para maturukan ang mg atleta kasama ang kanilang delegasyon na dadalo sa Tokyo Olympic at Paralympic Games. Ayon sa kumpanya na darating sa mga delegasyon ang unang dose ng bakuna hanggang sa katapusan ng Mayo. […]
-
Miting ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan, umabot sa 200 -PBBM
UMABOT sa 200 na pag-uusap ang nangyari sa pagitan ng Pilipinas at mga kumpanya ng Japan sa 5-day official visit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “In the morning of the first day, our Department of Trade and Industry Secretary Pascual reported that the business matching event that DTI arranged for 85 Philippine companies […]
-
Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE
MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian. Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng […]