• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pontillas dagdag lakas sa Sta. Lucia Lady Realtors

NADAGDAGAN ng armas ang Sta. Lucia Lady sa nalalapit na pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mayo sa pag-anib ni dating Philippine Super Liga (PSL) star Aiza Maizo-Pontillas.

 

 

Isiniwalat nitong Biyernes ng Lady Realtors ang paglambat sa bagong sandala na aayuda kina stalwarts Mika Aereen Reyes, Shiela Marie ‘Bang’ Pineda at Amy Ahomiro.

 

 

“We are proud and excited to welcome you into the team!” pagbubunyag ng Realtors sa social media accounts. “Your leadership, skills, and character will be a boost to our 2021 campaigns! Let’s get it! #thisisStaLucia.”

 

 

Pinakahuling hinambalusan ni Pontillas, 33, at 5-10 ang taas, ang Petron Blaze Spikers sa 8th PSL Grand Prix 2020 na kinansela pagkraan sanhi ng Coronavirus Disease 2019.

 

 

Ang iba pang bagong dating sa Realtors ay sina Jonah Sabete at Kai Baloaloa. Lumipat na rin ang team mula PSL pa-PVL na magti-training camp bubble na sa Abril. (REC)

Other News
  • PhilHealth sinagot P21.1-B unpaid hospital claims

    Emosyonal na humarap sa pagdinig ng Kamara ang presidente ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ngayong araw matapos ang sunud-sunod na banat sa kanila dahil sa bilyung-bilyong utang sa mga ospital.     Sabado nang sabihin ng Private Hospitals Association of the Philippines, Philippine Hospitals Association at Philippine Medical Association na kakalas sila sa PhilHealth dahil sa […]

  • 9 nagbalangkas ng 1987 Constitution inendorso Robredo-Pangilinan sa 2022

    ISANG ARAW bago ang ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power Revolt na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos, inendorso ng ilang framers ng Saligang Batas ang kandidatura nina presidental at vice presidential candidates Bise Presidente Leni Robredo at Sen. Francis Pangilinan.     Ilan sa mga lumagda sa naturang pahayag, na inilabas ngayong Huwebes, ay […]

  • Oktubre 31, deklaradong special non-working holiday; long weekend nag-aantay

    INIANUSYO ngayon ni Office of the Press Secretary officer in charge Usec Cheloy Garafil na pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang proclamation na nagdideklara sa October 31 ngayong taon bilang special non working holiday.     Sinabi ni Garafil na ito ay para mabigyan ng mahaba-habang panahon ang ating mga kababayan na […]