Pooled testing vs COVID-19 plano ng Palasyo
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
Kinokonsidera ng gobyerno ang ‘pooled testing’ sa mga Pilipino para sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 dahil sa kakulangan ng kakayanan na masuri ang buong bansa.
Batay kay Presidential spokesman Harry Roque, makatutulong ang pooled testing na ma-diagnose ang mas maraming indibidwal.
“If we can afford it, why not? But the reality is, hindi natin maa-afford ang testing sa lahat ng 110 million Filipinos. Pero gagawa po ng hakbang ang ating gobyerno para mas maparami ang testing natin,” ani Roque.
“Kinokonsidera na po natin iyong tinatawag na pooled testing. ‘Yung sa isang kit na testing sampung tao ang isa-swab at ite-test para makita kung mayroong positibo sa kanila. Kung mayroong positibo sa kanila, lahat sila individually, ipi-PCR (polymerase chain reaction),” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng pooled testing, ang sample mula sa maliit na grupo ng mga tao ay susuriin.
Kung magnenegatibo, ang mga tao sa naturang pool ay ikokonsiderang clear sa virus at kung sakaling magpositibo, lahat ay susuriin isa-isa.
“Easily 25 million people can be tested through pooled testing,” paliwanag ni Roque.
“At iyan na po ang hakbang na ginagawa ng gobyerno dahil alam natin na kapag na-test at nahanap natin kung sino ang mayroong COVID-19, pupuwede na silang i-isolate nang hindi na makahawa.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads June 25, 2021
-
Vice President Sara, sumagot sa ‘Resign Marcos’ ni Baste
NAGLABAS na kahapon si Vice President Sara Duterte ng reaksiyon hinggil sa panawagan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa kanyang kaalyadong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa tungkulin kung wala naman aniya itong pagmamahal sa bansa. Ayon kay VP Sara, na siya ring kalihim ng […]
-
Gilas pool isa-isa nang pumapasok sa bubble
Dumating na ang unang batch ng Gilas Pilipinas pool na sasailalim sa puspusang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup Qualifiers sa Pebrero. Unang pumasok sa bubble sina Isaac Go, Calvin Oftana at Kemark Cariño kasama si assistant coach Andrei Tolentino. Nasa bubble na rin […]