• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis binigyang pugay ang mga mamamahayag na nasawi at nakulong

BINIGYANG pugay ni Pope Francis ang mga mamamahayag na nasawi o nakulong habang ginagampanan ang kanilang mga trabaho at ipinagtatanggol ang malayang pamamahayag.

 

 

Sa kanyang lingguhang mensahe sa St. Peter’s Square sa Vatican, sinabi nito na nararapat na papurihan ang mga mamamahayag na matapang na iniuulat ang mga nangyayaring panghihimasok sa mga sankatauhan.

 

 

Ang nasabing mensahe ng Santo Papa ay bilang bahagi ng World Press Freed Day ng United Nation sa darating na Mayo 3.

 

 

Base sa listahan kasi ng UNESCO na noong 2021 pa lamang ay mayroong 55 journalist at media workers ang nasawi.

 

 

Nauna rito noong nakaraang buwan ay kinilala din ng Santo Pap ang mga journalists na napatay dahil sa pag-cover nila sa nangyayaring giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

 

 

Hindi rin pinalampas ng Santo Papa ang kaniyang pagkadismaya sa mga nagaganap na kaguluhan sa Ukraine.

Other News
  • Mayweather at Pacquiao nanguna sa greatest boxer ng BoxRec.com

    Nasa pangalawang puwesto sa bilang ‘greatest’ boxer ng BoxRec. com ang si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.   Mayroong record ang fighting senator na 62 panalo, pitong talo at dalawang draw.   Nasa unang puwesto naman si US retired boxing champion Floyd Mayweather Jr dahil sa walang talo ito sa 50 na laban.   Base […]

  • Pag-angkat ng 440-K MT ng asukal, aprubado na ng SRA Board

    INAPRUBAHAN ng Sugar Regulatory Administration (SRA) Board ang plano sa pag-aangkat ng 440,000 metric tons ng refined sugar.     Layon nito na palakihin ang supply at patatagin ang mga presyo ng sweetener ngayong taon.     Inihayag ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Board member-planters’ representative Pablo Luis Azcona na inaaprubahan ito sa ginawang pulong […]

  • 605 Bulakenyong health worker, nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna

    LUNGSOD NG MALOLOS– May kabuuang bilang na 605 Bulakenyong health worker ang nabakunahan na ng dalawang dose ng bakuna para sa Coronavirus na magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa malubhang sintomas mula sa nakamamatay na sakit; habang 22,603 Bulakenyo ang naturukan na ng kanilang unang dose ng bakuna.     Ayon sa ulat ni Dr. Hjordis Marushka Celis, Provincial Health […]