• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis, magsasagawa ng misa sa Vatican para sa 500th anniv ng Kristyanismo sa PH

Pangungunahan ni Pope Francis ang mga Pilipino sa Italy sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Scalabrinian Father Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, magsasagawa ng Misa ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 dakong alas-10:00 ng umaga.

 

 

Ngunit dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, limitado lamang ang bilang ng mga papayagang dumalo sa misa sa loob ng basilica.

 

 

Sinabi pa ni Gente, ila-livestream ang misa upang maabot ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

“Join us in Rome to pray, praise and thank God for his gift of the Christian faith,” wika nito.

 

 

Kasama ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, at Cardinal Angelo De Donatis, vical general ng Rome.

 

 

Maliban dito, mangunguna rin ang Santo Papa sa tradisyunal na pagdarasal ng Angelus sa St. Peter’s Square sa tanghali pagkatapos ng Misa.

 

 

Kung maaalala, noong 2019 ay nanguna rin si Pope Francis sa tradisyunal na “Simbang Gabi” Mass kasama ang Pinoy community sa Roma at kinilala ang papel ng mga overseas Filipino workers sa paglago ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

Other News
  • PSC tiwalang bubuhos ang suporta sa Pinoy athletes

    Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Charles Maxey na bubuhos ang suportang pinansiyal para sa sports program ng mga atleta.     Maningning ang kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics kung saan sigurado na ang Pilipinas na makapag-uuwi ng apat na medalya tampok ang gold-medal performance ni Hidilyn Diaz.     Kaya naman […]

  • Pilipinas, kwalipikado na para sa visa-free travel sa Canada

    KWALIPIKADO  na ang Pilipinas para sa visa-free travel program ng Canada.     Ito ay matapos na ianunsyo ng Canada ang 13 mga bansa, kabilang ang Pilipinas sa mga napasama sa pagpapalawak pa nito ng kanilang visa-free travel program.     Ayon kay Canadian Minister for Immigration, Refugees and Citizenship Sean Fraser, ang naturang kautusan […]

  • 40-day prayer to save Earth, pangungunahan ng Living Laudato Si Philippines

    Hinihikayat ng Living Laudato Si’ Philippines ang mga mananampalataya at mga kapanalig na makibahagi sa ilulunsad na 40-day prayer campaign bilang paghahanda sa paglalakbay tungo sa pangangalaga sa ating nag-iisang tahanan. Magsisimula ang prayer campaign sa Oktubre 04, kasabay ng kapistahan ng patron ng kalikasan na si San Francisco ng Assisi at magtatagal hanggang sa […]