• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis nanawagan ng ceasefire sa nangyayaring gyera sa Hamas-Israel

MULING  nanawagan si Pope Francis nitong Linggo na wakasan na ang labanan ng Hamas-Israel, hinihimok ng Santo Papa na palayain na ang mga hostage at payagan na ang huminatarian aid para sa Gaza.
Ayon kay Pope Francis matapos ang traditional Angelus prayer sa Saint Peter’s Square sa Rome, patuloy niyang iniisip ang seryosong sitwasyon ngayon sa Palestine at sa Israel kung saan maraming tao na ang nawalan ng buhay.
Kung maalala, ang mga militanteng Hamas ay lumusob sa Israel mula sa Gaza Strip noong Oktubre 7, na ikinamatay ng hindi bababa sa 1,400 katao, at nang-hostage ng 240 katao, ayon sa mga awtoridad ng Israel, ito ang pinakanakamamatay na pag-atake sa kasaysayan ng naturang bansa.
Bilang tugon dito, walang humpay na binomba ng Israel ang Gaza Strip, na ikinamatay ng higit sa 9,770 katao, at karamihan dito ay mga kababaihan at mga bata, ayon sa Hamas-run health ministry.
Nauna nang nakiusap ang papa na itigil na ang labanan at payagan ang humanitarian aid sa Gaza Strip.
Other News
  • TURNING TO BEETLEJUICE: DIRECTOR TIM BURTON, MICHAEL KEATON, WINONA RYDER AND CATHERINE O’HARA TALK ABOUT WORKING ON THE ICONIC FILM’S SEQUEL “BEETLEJUICE BEETLEJUICE”

    The Juice is loose, Baby!       Back once again in his signature black-and-white stripes, Beetlejuice (Michael Keaton) – the trickster demon and shapeshifting bio-exorcist – finds a way back to the Deetz family (particularly Lydia, his one who got away), oozing his signature kind of dead(ly) charm, to create chaos, raise a ruckus, […]

  • Esteban todo pakondisyon

    ALAGA ng miyembro ng PH 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist na si Maxine Isabel Esteban ang pangangatawan at kalusugan kahit isang taon nang tengga sa mga kompetisyon dulot ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).     Sa social media post nitong isang araw lang, todo ehersisyo ang 19-anyos na dalagang seksi at […]

  • ‘Nutribun’ feeding program, palalakasin

    NAIS  ni Senador Imee Marcos na palakasin ang ‘Nutribun Feeding Program’ sa harap ng mga progra­mang pang-nutrisyon ng gobyerno na umano’y kulang sa sustansya.     Sinabi ito ni Marcos kasabay ng pagdiriwang nitong nakaraang linggo ng ika-105 kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na nagsimula ng Nutribun Feeding program […]