Pope Francis, Pope emeritus Benedict XVI nabakunahan na rin vs COVID-19
- Published on January 16, 2021
- by @peoplesbalita
Nagsimula na ring gumulong ang COVID-19 vaccination program ng Vatican City State ngayong araw, kung saan una sa mga naturukan ng bakuna kontra coronavirus ay sina Pope Francis at Pope Emeritus Benedict VXI.
Kinumpirma ito mismo ni Matteo Bruni, director ng Holy See Press Office nang matanong hinggil sa vaccination program sa Vatican City State, maging ni Bishop Georg Gaenswein, Private Secretary ni Pope Francis.
Nauna nang inanunsyo ni Pope Francis sa isang panayam na plano niyang magpabakuna kontra COVID-19 ngayong linggo.
Sinabi ni Pope Francis na “ethical action” ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sapagkat nakasugal ang kalusugan ng isang tao sa laban kontra coronavirus pati rin ang buhay ng ibang tao. (Vatican News)
-
Monthly contribution ng Pag-IBIG members, planong itaas simula Enero 2024
PLANONG itaas ng Pag-IBIG Fund ang monthly contribution ng mga miyembro nito, pati ng kanilang mga employers, simula sa Enero 2024. Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, itutuloy ng ahensya ang implementasyon ng pagtaas sa kontribusyon ng mga Pag-IBIG Fund members oras na sang-ayunan ito ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. […]
-
Ads August 12, 2022
-
JOHN, level-up na ang career dahil isa na sa direktor ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
INANUNSYO ng Cornerstone, ang talent agency ni John Prats, na nag-level up na ang career ng dahil isa na rin siya direktor ng FPJ’s Ang Probinsyano. In fact, nabasa na nga name ni John bilang isa sa co-directors ng action-drama series ng ABS-CBN. By accident ang pagpasok ni John sa pagdidirek. Ang […]