• June 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis sa kanyang New Year message: ‘We want peace’

MULING nagpakita sa publiko si Pope Francis matapos na mapilitan itong lumiban sa New Year services ng Simbahang Katolika dahil sa naranasan nitong chronic sciatic pain.

 

Kung maaalala, hindi nakadalo ang Santo Papa sa prayer service dahil sa sciatica, na pananakit mula sa ibabang bahagi ng likod hanggang sa ibabang parte ng katawan.

 

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na hindi nakadalo si Pope Francis sa isang major papal event buhat nang mailuklok ito bilang Catholic pontiff noong 2013.

 

Gayunman, hindi nagpakita ng anumang senyales ng sakit ang Santo Papa sa pangunguna nito sa okasyon.

 

“Life today is governed by war, by enmity, by many things that are destructive. We want peace. It is a gift,” wika ni Francis.

 

“The painful events that marked humanity’s journey last year, especially the pandemic, taught us how much it is necessary to take an interest in the problems of others and to share their concerns,” dagdag nito.

 

Karaniwang ibinibigay ang noon blessing mula sa isang bintana kung saan matatanaw ang St. Peter’s Square, ngunit inilipat ito sa loob para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng mga tao at mapigilan ang hawaan ng COVID-19.

 

Sumentro rin ang okasyon sa mga pahayag ng Santo Papa sa Yemen.

 

“I express my sorrow and concern for the further escala- tion of violence in Yemen, which is causing numerous in- nocent victims,” ani Francis. “Let us think of the children of Yemen, without education, without medicine, famished.”

Other News
  • May naglalabasang hiwalay na… BEA, dapat siguraduhin ang pre-nup agreement sakaling matuloy pa ang kasal kay DOMINIC

    NAGLABASAN ngayon ang kung anu-anong dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang kasalang Bea Alonso at Dominic Roque.  May mga pahaging si Bea tungkol pa rin dito pero wala pa ring pormal na pahayag ang kapuso aktres. Maging si Dominic ay Hindi pa rin naman itinanggi o inamin ang isyu. Pero anuman ang dahilan ay […]

  • Lolo na wanted sa statutory rape, timbog sa manhunt ops sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang 68-anyos na lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirhan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si […]

  • Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021

    TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.   Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.   “Ang ginawa […]