Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’
- Published on July 2, 2021
- by @peoplesbalita
Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa.
Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa.
“Recalling the late president’s service to the nation, I commend his soul into the hands of the all-merciful God. Upon his family and all who mourn his passing, I invoke abundant consolation and peace in the Lord,” saad ng Mahal na Papa.
Taong 2015 nang personal nitong nakasalamuha si Aquino sa ilang araw na pagbisita sa bansa.
Binigyan pa ng 15th Philippine president ang Santo Papa na iskultura ni Mama Mary, habang binigyan naman nito si P-Noy ng “facsimile” ng Nautical Map na attributed kay Bartolome Olivia na bahagi ng Vatican Library collection.
-
SSS 13th month at December pensions, matatanggap na sa susunod na linggo
Inihayag ng Social Security System (SSS) na matatanggap na ng kanilang milyon-milyong pensiyonado ang kanilang 13th month at 2021 December pensions sa unang linggo ng susunod na buwan. Sinabi ni SSS president at CEO Aurora Ignacio, kabuuang P27.5 bilyon ang ire-release na halaga ng SSS para sa 2021 December at 13th month pensions […]
-
Dengue cases tuloy sa pagsirit
PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 118,785 mula Enero 1 hanggang Agosto 13, ayon sa Department of Health (DOH). Mas mataas ito ng 143% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 48,867 lamang noon, ayon kay DOH officer-in-charge […]
-
DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon
Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway. “While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the […]