• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibilidad na magdagdag pa ng NBA teams, pinag-aaralan na – Silver

Inamin ng NBA na hindi nila isinasara ang kanilang pintuan sa posibilidad na madagdagan pa ang kasalukuyang 30 teams na naglalaro sa liga.

 

Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, sa ngayon ay kanila nang pinag-aaralan kung ano ang maaaring implikasyon ng pagpapalawig pa sa bilang ng mga naglalarong koponan.

 

Paglalahad pa ni Silver, ang financial issues na kinakaharap ng liga sa harap ng pandemya ang nagtulak sa kanila na busisiin ang ideya.

 

“I think I’ve always said that it’s sort of the manifest destiny of the league that you expand at some point,” wika ni Silver.

 

“I’d say it’s caused us to maybe dust off some of the analyses on the economic and competitive impacts of expansion. We’ve been putting a little bit more time into it than we were pre-pandemic. But certainly not to the point that expansion is on the front burner.”

 

Ang bawat expansion team kasi ay magbabayad ng entry fee na maaaring lumampas ng $1 billion, na mapupunta naman sa mga kasalukuyang team.

 

Noon pang 2002 nang huling mag-expand ang NBA nang itatag ang Charlotte Bobcats, na kilala na ngayon bilang Hornets.

Other News
  • Vietnamese national na baon sa utang, nagkamatay sa Malabon

    ISANG Vietnamese national ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa problema dala ng isinampang kaso laban sa kanya nang mabaon sa utang dahil umano sa “Online Sabong” sa Malabon city.     Sa report ni investigator on case PSSg Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong […]

  • Hirit ng netizens, pagsamahin sa movie o teleserye: HEART at JERICHO, sobrang kinakiligan ang muling pagkikita

    SA Instagram ni Heart Evangelista pinost niya ang mga photos na kuha sa mini get together na kung saan reunited sila ng dating boyfriend at ka-loveteam na si Jericho Rosales.     Kasama nina Heart at Echo ng ilang mga kaibigan at kapwa mga Star Magic babies na sina Piolo Pascual, Bea Alonzo, Diether Ocampo, […]

  • DTI: Walang paggalaw sa presyo ng bilihin sa mga nasa State of Calamity

    SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na awtomatiko ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Rolly.   “Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas—Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” saad ni […]