• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine

Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna. 

 

Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa ikinukunsidera ng ahensiya para na rin sa kaligtasan ng mga vulnerable at high-risk na mga senior citizens.

 

Plano rin ng ahensiya na makipag-ugnayan sa Department of Education (DEPED) para naman sa paglalagay ng vaccination sites sa mga public elementary schools upang marami ang vaccination sites at mas madaling puntahan ng mga tao.

 

Target aniya ng mga itatalagang vaccination team na mabakunahan ang 100 pasyente sa isang araw.

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng sistema mula sa master listing, pre-registration at reporting ng mga adverse effects.

 

Ngunit aminado naman si Duque na hindi pa rin maiiwasan na mag-manual na paraan sa inoculation dahil maraming lugar sa bansa ang walang internet. (ARA ROMERO)

Other News
  • Feeling blessed sa magkasunod na serye: GABBI, kasama sa pagbabalik-tambalan nina RICHARD at JODI

    FEELING very blessed si Global Endorser Gabbi Garcia dahil after niyang gawin ang mystical primetime mega-serye na “Mga Lihim ni Urduja,” may kasunod agad siyang bagong project.       Makakasama ni Gabbi ang mga kapwa Encantadia stars niya na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez, kasama rin nila sa cast sina Jeric Gonzlaes, Kristoffer Martin, […]

  • Nawalan ng interes si Derek Ramsey kay Andrea Torres dahil ang dalaga raw ang masyadong “naghahabol”

    Nananatiling palaisipan para sa marami ang biglaang hiwalayan ng magkasintahang Derek Ramsay, 44, at Andrea Torres, 30.   Sweet pa sila sa isa’t isa at magkasama sa isang frame nang mag-shoot ng Christmas station I.D. ng GMA Network.   Pero kasabay ng pag-ere nito noong November 17 ay lumabas ang balitang break na sila.   […]

  • P3-B budget, inilaan para sa fuel subsidy ngayong taon- Malakanyang

    NAGLAAN ang pamahalaan ng P3 bilyong pisong budget para sa fuel subsidy sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.     Ang pahayag na ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay matapos na magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong big-time price hike para sa pitong sunod-sunod na linggo […]