• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng paghihigpit sa pagpapauwi sa mga probinsiya ngayong papalapit na Holy Week

NAKAANTABAY ang Malakanyang kung magkakaroon ng paghihigpit sa magiging pagbiyahe o pag- uwi ng marami sa ibat-ibang mga lalawigan para sa nalalapit na Mahal na Araw.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sa ngayon ay wala pa siyang maisasagot kung paano ang magiging set up sa magiging pag-uwi ng mga kababayan nating nais na maitawid ang Kuwaresma sa kani- kanilang mga probinsiya.

 

Aniya, isang collegial body ang Inter-agency Task Force (IATF) na kailangang magkasundo sa isang desisyon para sa isang usapin gaya halimbawa ng magiging pag- uwi ng mga kababayan natin ngayong holy week.

 

“Hindi ko po masasagot iyan dahil ang IATF po ay isang collegial decision at kinakailangang pagkasunduan pa iyan, dito sa darating na huling linggo ng Marso,” ang pahayag ni Sec.Roque.

 

Magkagayon man, naniniwala naman si Sec. Roque na dahil sa walang trabaho sa nalalapit na pista opisyal ay magkakaroon ng less mobility ang mga tao.

 

Giit ni Sec. Roque, kailangan ito para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

 

“Pero siyempre po lahat po tayo looking forward to Holy Week, kasi sa Holy Week naman talaga walang trabaho, so parang magkakaroon po talaga tayo ng less mobility. At iyan po ang kinakailangan natin ngayon para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Knott tuloy ang training

    NOONG Agosto pa hu-ling sumabak sa aksyon si Fil-American sprinter Kristina Knott kung saan niya binasag ang 33-year old Philippine national record ni Lydia De Vega sa women’s 100-meter dash.   Sa ‘Virtual Kumustahan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Knott na patuloy ang kanyang training sa Florida, USA bagama’t wala pang naitatakdang […]

  • Estudyante isinelda sa P136K shabu sa Valenzuela

    KULONG ang 20-anyos na estudyante matapos makuhanan ng nasa P136K halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sa pagkakaaresto […]

  • Inaming na-bully sa pagiging ‘balbon’: YASSER, nanliligaw pa lang kay KATE at ‘di pa girlfriend

    WALA pang relasyon sina Yasser Marta at Kate Valdez.     Iyan ang nilinaw mismo ni Yasser sa guesting niya sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ kamakailan.     Tinanong kasi ni Tito Boy ang hunk Sparkle actor kung sila na ba ni Kate.     “Hindi pa po Tito Boy,” ang sagot ni […]