Casimero at Donaire, susunod na target ni Naoya matapos magwagi laban kay Moloney
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
NADEPENSAHAN ni Japanese boxer Naoya Inoue ang kaniyang bantamweight belt laban sa challenger na si Jason Moloney.
Naging susi ang matinding suntok ng 27-anyos na boksingero sa kanang kamay na nagbunsod sa pagbagsak ni Moloney sa ikapitong round.
Mula pa kasi sa unang round ay pinaulalanan na ng suntok ang kalaban nito.
Dahil sa panalo ay napanatili ng tinaguriang “Monster” ang kaniyang IBF, WBA at The RING bantamweight titles.
Target naman nito na makuha ang WBC at WBO ng 118 ponds belt.
Hinamon naman nito sina Filipino boxer Johnriel Casimero na may hawak ng WBO belt at ang sinong manalo sa pagitan nina Filipino Flash Nonito Donaire at Nordine Oubaali.
Magugunitang nakansela ang laban ni Casimero kay Inoue noong Abril dahil sa COVID-19 pandemic habang natalo naman si Donaire kay Inoue noong Nobyembre 2019 sa laban nila na ginanap sa Saitama, Japan.
-
Orle, Pantone papalo sa PLDT
TATRANGKAHAN pala nina French import Maeve Orle at legendary libero Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone habang si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb pa rin ang magmanado para sa PLDT Home Fibr sa nakatakdang 8th Philippine SuperLiga Grand Prix 2020. Puntirya ng Power Hitters na maparehasan, hindi man mahigitan ang bronze medal na tinapos dito sa nakalipas na […]
-
PBBM, nasa Indonesia para dumalo sa 43rd ASEAN SUMMIT and RELATED SUMMITS
LUMIPAD si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Indonesia, araw ng Lunes, para dumalo sa 43rd Association of Southeast Asian Nations Summit and Related Summits. Nangako itong isusulong ang interest ng bansa kasama ang kanyang constructive engagements sa ASEAN at Dialogue Partners nito. Ang partisipasyon ng Pangulo sa summit ay dahil […]
-
5 lugar sa NCR inilagay sa COVID-19 moderate risk
TUMAAS sa “moderate risk” ang klasipikasyon ng apat na lungsod sa National Capital Region kasama ang Pateros, ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa dalawang linggong growth rate ng mga lungsod, average daily attack rate (ADAR), at kapasidad ng kanilang mga health […]