• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Poverty rate sa PH, target na maibaba sa 9% sa katapusan ng termino ng Marcos administration – DOF chief

TARGET na maibaba ang poverty rate sa bansa sa katapusan ng termino ng Marcos administration sa taong 2028.

 

 

Pagsisiwalat ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na ang naturang layunin ay bahagi ng medium-term fiscal consolidation framework ng ahensiya na iprinisenta sa unang Cabinet meeting ng pangulo.

 

 

Hindi lamang daw sa growth target nakatutok ang administrasyon kundi maging sa pagpapababa ng bilang ng mahihirap sa bansa na target na gawing single-digit ng Marcos adminsitration.

 

 

Saad pa ng DOF chief, nasa 25% ang poverty rate sa bansa noong unang taon ng termino ni dating Pangulong Duterte subalit bumaba aniya ito ng 18 to 17% bago tumama ang pandemya sa bansa.

 

 

Kung kaya’t mayroon aniyang bahagyang pagbaba subalit ang target sa ngayon ay mapababa ang poverty rate sa 9% pagsapit ng taong 2028. (Daris Jose)

Other News
  • Mga makabagong bayani, pinarangalan ni PBBM

    PINARALANGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani ng makabagong panahon dahil sa malasakit at kabutihang loob ng mga ito na naging mas mabuti ang kalagayan ng  bansa ngayon.     Sa pagdalo ng Pangulo sa National Heroes Day event sa Libingan  ng mga Bayani, araw ng Lunes, Agosto 29,  bahagi ng talumpati  […]

  • DA, DILG pinaigting ang implementasyon ng “HAPAG KAY PBBM PROGRAM” para sa food security

    KAPUWA  sumang-ayon ang Department of Agriculture (DA) ar  Department of the Interior and Local Government (DILG) na paigtingin ang implementasyon ng  localized agriculture production program na naglalayong tiyakin ang food security at pagaanin ang kahirapan sa bansa. Ang  DA at  DILG  ang mga nangugunang ahensiya sa implementasyon ng Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay, Kadiwa’y […]

  • BARANGAY ELECTION, PINAGHAHANDAAN PA RIN NG COMELEC

    TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voters registration sa susunod buwan bilang preparasyon para sa  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 5, 2022.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni  acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang panukala ay   para magsagawa ng voters registration mula July 4 hanggang 30. […]