Practice facilities ng Nuggets, isinara matapos dapuan ng COVID-19 ang 3 miyembro ng traveling party
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Isinara muna ng Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong kasapi ng traveling party ng koponan.
Sa anunsyo ng team, asymptomatic o wala naman daw sintomas ng deadly virus ang tatlo.
Binubuo ng 35 na miyembro ang traveling party ng Nuggets, na kinabibilangan ng mga player, coaches, at mga staff.
Sa ngayon, hindi pa tukoy kung bubuksang muli ng Denver ang kanilang practice facilities bago tumulak ang koponan patungong Orlando sa Hulyo 8 (Manila time) para sa pagpapatuloy muli ng season.
Nitong nakalipas na linggo nang magtungo nang muli sa kanilang practice facilities ang 22 koponan na lalahok sa season restart sa Hulyo 31.
Kamakailan nang lumabas din ang balita na nagpositibo sa coronavirus si Nuggets star Nikola Jokic habang nananatili ito sa Serbia.
Maging si Denver coach Michael Malone ay umamin din na nagpositibo ito sa nakahahawang virus, na kanya raw nakuha noong Marso.
-
PBBM, pinangunahan ang “mega groundbreaking” ng 6 na housing projects sa Bulacan
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “mega groundbreaking” ng anim na housing projects sa anim na lungsod at munisipalidad ng lalawigan ng Bulacan, maaaring makapagtayo ng 30,000 shelter units. “Sa pamamagitan po ng proyektong ito, maisasakatuparan [ng] libolibong Bulakenyo ang pangarap nila na magkaroon ng maayos at abot-kayang bahay namatatawag nilang […]
-
Mayor Along naghain na ng COC
NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central. Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si […]
-
COMELEC, MAGDARAOS NG SUMMIT
MAGDARAOS ng tatlong araw na Election Summit ang Commission on Election (Comelec) at kanilang mga stakeholders sa Enero 2023. Layon ng kauna-unahang summit na mapagbuti ang pagdaraos ng halalan sa bansa, ayon kay Comelec Chairman George Garcia. Sinabi ni Garcia na nakipag kapit-bisig ang Comelec sa lahat ng civil society organizations, […]