• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Prangkisa ng Grab napipintong kanselahin ng LTFRB

NAPIPINTONG kanselahin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Grab Philippines dahil umano sa pagpasa ng 20-percent discount para sa pasaherong persons with disabilities (PWDs), estudyante at senior citizen sa kanilang mga driver.

 

 

Nabuking ito sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services nang komprontahin ang kinatawan ng Grab ukol sa madalas na kanselasyon ng mga driver kapag PWD, estudyante at senior citizens ang pasahero.

 

 

Napag-alaman kay TNVS Community Philippines spokesperson Saturnino Ninoy Mopas na pinapasagot pala ng Grab sa mga driver ang diskuwentong binibigay sa pasaherong senior citizens, PWDs, at mga estudyante.

 

Ayon pa kay Mopas, dati ay Grab ang sumasagot sa 20% discount ngunit biglang pinapasan ito sa kanila ng kumpanya anim na buwan na ang nakalipas.

 

Kinontra naman ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz ang palusot ng Grab na naaayon sa batas ang kanilang ginagawa. Giit ni Guadiz, malinaw umanong lumabag ang Grab sa Memorandum Circular ng ahensiya sa pagpasa nito ng 20% discount sa kanilang mga driver.

 

 

Hihingan ng LTFRB ng pahayag ang mga Grab driver at paliwanag ang kumpanya ukol sa ginagawa nilang ito. Kapag nakitaan ng paglabag, posibleng makansela ang prangkisa ng Grab, sabi pa ni Guadiz.

Other News
  • IATF, pag-uusapan kung handa na ang NCR para sa Alert Level 1 – Año

    PAG-UUSAPAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bagong quarantine status sa bansa hanggang sa pagtatapos ng Pebrero at kung handa na ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 1.     Sa isang panayam, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang bagong Alert level classification sa NCR mula Pebrero 16 hanggang 28 ay depende […]

  • Sa opening ceremony ng ‘Paris 2024 Olympics’… Performances nina CELINE DION at LADY GAGA, nag-viral

    NAG-VIRAL ang performances nina Celine Dion at Lady Gaga sa opening ceremony ng Paris 2024 Olympics.     Si Lady Gaga ang nagbukas ng ceremony with a rendition of Zizi Jeanmaire’s “Mon Truc En Plumes” habang nasa stairs ng Seine River. Surrounded by pink feathers, Lady Gaga kicked on a chorus line and played on […]

  • 1 pang suspect sa Caloocan masaker, sumuko

    SUMUKO sa Caloocan City Police ang isa sa apat na suspek na sangkot sa pagmasaker sa dalawang nursing graduate at nursing student noong Setyembre 27.   Kinilala ni Caloocan City Police chief, Col. Dario Menor ang suspek na si Anselmo Singkol, 37, construction worker at tubong Samar.   Isang retiradong kaanak ang nagkumbinsi kay Anselmo […]