Premium rate ng PhilHealth sa 2023, mananatili sa 4%
- Published on January 12, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na mananatili pa rin sa 4% ang kanilang premium rate na may income ceiling na P80,000 para sa CY 2023.
Ito ay bilang pagtalima na rin sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na suspindihin ang nakatakda sanang premium rate increase na mula 4.0% ay gagawin sanang 4.5%, gayundin ang pagtataas ng income ceiling ng mula P80,000 hanggang P90,000.
Sinabi ni Acting PCEO Emmanuel Ledesma, Jr., nakatakdang magpalabas ang PhilHealth ng hiwalay na advisory hinggil rito, kung saan isasaad ang mga gabay na mag-iimplementa ng naturang direktiba, partikular na para sa mga direct contributors.
Tiniyak ni Ledesma na tuloy pa rin ang rollout ng bagong benefit packages, na dapat sana ay kukuhanin mula sa premium increase, tulad ng nakaplano.
Kabilang aniya dito ang Outpatient Therapeutic Care para sa Severe Acute Malnutrition, Outpatient Package para sa Mental Health, Comprehensive Outpatient Benefit, at iba pa.
Inatasan na aniya ang pamunuan upang magpatupad ng mga kinakailangang istratehiya upang matiyak ang implementasyon ng mga naturang benepisyo.
Siniguro rin naman ng PhilHealth sa publiko na ang mga kasalukuyang benepisyo na ini-enjoy ng kanilang mga miyembro ay hindi maaapektuhan ng nasabing suspensiyon. (Daris Jose)
-
VISIT THE “THE FLASH” LIFE-SIZE FIGURE AT THE WARNER BROS. 100 YEAR ANNIVERSARY EXHIBIT AT SM NORTH EDSA
THE Flash has arrived in Manila! From May 24 – June 4, fans can take selfies with the hyper-realistic, life-size mucklefigure of The Flash at the Warner Bros. 100 Year Anniversary Exhibit at SM North EDSA The Block activity area. Strike a running pose with your favorite Speedster and race with the fastest guy alive. […]
-
Gilas Pilipinas nag start ng mag practice
Walang sinasayang na panahon si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na simulan ang ensayo nila kahit wala pang mga pangunahing manlalaro nila. Ang nasabing ensayo ay bilang paghahanda ng ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin sa Pebrero sa bansa. Ayon kay Reyes na ginamit na lamang nito […]
-
‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases
Nakatakdang pulungin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon. Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]