Preparasyon sa FIBA World Cup pukpukan na
- Published on March 17, 2022
- by @peoplesbalita
IKAKASA na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang puspusang paghahanda para sa FIBA World Cup na idaraos sa Pilipinas sa susunod na taon.
Buo na ang grupong magpapatakbo ng torneo para masiguro ang matagumpay na pagdaraos ng FIBA World Cup sa Pilipinas na tatakbo mula Agosto 10 hanggang Set-yembre 25.
Nagpulong na sina SBP Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan, President Al Panlilio, Executive Director Sonny Barrios, Executive Advisor to the President Ricky Vargas at Special Assistant to the SBP President coach Ryan Gregorio.
Nais ng SBP na masiguro na nasa tamang direksiyon ang paghahanda ng Pilipinas na nakalinya sa standards ng FIBA.
Kaya naman madalas na binibigyan ng SBP ang FIBA head office sa Geneva, Switzerland upang ipaalam ang estado ng preparasyon para sa World Cup.
“This hosting is MVP’s lasting gift to our nation. Together, we will show the world that having a shared passion leads to a strong nation,” ani Panlilio.
Nangunguna sa listahan ng SBP ang maibigay ang kilalang katangian ng mga Pilipino ang mainit na pagtanggap sa mga bisita o hospitality para sa lahat ng dadalo sa torneo.
“We are hoping that during the buildup to the World Cup, each and every Filipino joins hands in welcoming our guests and to help us showcase the value of ‘Bayanihan’ to the world,” bahagi ni Vargas.
Naniniwala si Pangilinan na kahit maliit na bansa ang Pilipinas, kaya nitong magtaguyod ng isang world class competition gaya ng FIBA World Cup na dadaluhan ng pinakamahuhusay na basketball players sa mundo.
Kabilang na sa mga darating sa bansa ang powerhouse United States Dream Team na binubuo ng mga NBA stars.
Handa si Pangilinan na ibuhos ang buong suporta nito para sa lubos na tagumpay ng torneo.
“We will be exhausting all our efforts and resources to prove to the world that the Philippines can organize and host the world’s biggest sporting events,” ani Pangilinan.
Magiging katuwang ng Pilipinas sa hosting ang Japan at Indonesia na magsisilbing co-hosts.
-
Ads August 2, 2023
-
Alice Guo, kinokonsidera bilang isang ‘agent of influence’- NICA
KINOKONSIDERA ng isang opisyal ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na isang “agent of influence” ang sinibak na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, kilala rin bilang si Chinese national Guo Hua Ping. “Within historical context, given that these activities have been common especially during the Cold War, the activities and the facts […]
-
Utos ni PBBM: LET’S PREPARE FOR THE NEXT FLOOD
NGAYON pa lamang ay ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa national at local governments na paghandaan na ang susunod na pagbaha habang ang bansa ay nahaharap sa La Niña phenomenon. “Let’s prepare for the next flood. This is the first typhoon sa La Niña. Mahaba pa ‘to. So, we […]