• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pres. Duterte aprubado na ang batas sa pagbibigay ng compensation sa 2017 Marawi siege

APRUBADO  na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naggagarantiya ng compensation para sa mga biktima ng 2017 Marawi siege.

 

 

Ito ay matapos na lagdaan ng Pangulo ang Republic Act No. 11696 o ang Marawi Siege Victims Compensation Act of 2022.

 

 

Ayon kay acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, ang naturang batas ay nagbibigay ng compensation para sa mga nawala at nasirang properties ng mga biktima gayundin ang mga nasawi dahil sa month long siege na kagagawan ng mga miyembro ng Maute terrorist group.

 

 

Kaugnay nito, makakatanggap ng tax-free compensation mula sa gobyerno ang mga kwalipikadong owner ng residential, cultural, commercial structures at iba pang properties sa Marawi na matinding napinsala.

 

 

Ang mga legal na tagapagmana ang siyang makakatanggap ng compensation ng mga namatay na nagmamay-ari ng properties sa Marawi alinsunod sa Code of Muslim Personal Laws of the Philippines o ang Civil Code of the Philippines. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Caloy sabak agad sa ensayo pagbalik sa Japan

    ISA hanggang dala­wang araw lang ang magi­ging break ni two-time world gymnast champion Caloy Yulo para paghandaan ang mga lalahukan pang international competitions ngayong taon.     Isa sa mga ito ay ang Asian Gymnastics Championships sa Hunyo 15-18 sa Doha, Qatar na magsisilbing qualifying tournament para sa 41st FIG Artistic Gymnastics World Championships sa […]

  • LeBron at Davis balik na pero minalas pa rin ang Lakers vs Pelicans

    BALIK  na sa paglalaro ang mga NBA superstars na sina LeBron James at Anthony Davis pero minalas pa rin ang Los Angeles Lakers matapos na masilat ng New Orleans Pelicans, 114-111.     Kung maaalala dalawang games din na nawala si LeBron habang inabot naman ng 18 games na hindi nakalaro si Davis dahil sa […]

  • PRANGKISA MO SA PANGALAN ng IBA! PAYAG KA BA?

    Sa public transport mahalaga ang prangkisa. Pag wala ka nito at pumasada ka, colorum ang tawag sayo.  Ang prangkisa ay ipinagkakaloob ng Estado sa isang indibidwal para ang holder ng franchise ay ligal na maghanapbuhay sa sektor ng public transportation. Pero dahil apektado nito ang isang uri ng public service – ang public transpo nga – […]