Presidenstial aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng Cebuanos
- Published on November 18, 2021
- by @peoplesbalita
LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.
Samantala, nilinaw ni Domagoso na hindi niya nais makasakit ng damdamin ng mga kababayang Filipino-Chinese community sa kanyang nasambit laban sa China at sa pagsakop nito sa Philippine waters.
Aniya, ang kanyang pangungusap ay nakatuon lamang sa mga “mainlanders.”
Umani nang pagbatikos ang standard-bearer ng Aksyon Demokratiko at naparatangan ng pagiging racist sa mga Tsino nang kanyang pagbantaan na papaalisin sila sa bansa.
“I’m pertaining to Chinese mainlanders, the ones occupying our islands. And I don’t care. I don’t sugarcoat. Those navy, those fishermen from China, continue to occupy our space. We need not sugarcoat our words,” sambit ni Domagoso.
Aniya, siya ay naniniwala na ang Filipino-Chinese community na naninirahan sa bansang Pilipinas ay naliliwanagan na hindi sila ang kanyang tinutukoy at nauunawaan ang kanyang pananaw sa isyu ng pagsakop sa West Philippine Sea. (Rio Nolasco)
-
Sa mga paandar na may caption na ‘I found the right one’: RURU at BIANCA, kino-congratulate na ng marami at may nagtatanong kung ‘engaged’ na
MARAMI ang nagko-congratulate sa Kapuso sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid. Habang ang iba, nagtataka at nagtatanong. Paano naman, halos sabay na nag-post sina Bianca at Ruru sa kanilang individual Instagram accounts ng mga paandar na may caption na, “I found the right one” si Bianca at ang picture na pinost […]
-
Red alert sa suplay ng kuryente, nagbabadya
INAASAHAN ng Department of Energy (DOE) na mailalagay ang Luzon Grid sa ‘Yellow Alert Status’ ng 15 beses habang nagbabadya rin ang pagdedeklara ng ‘red alert’ ngayong taon. Ayon sa DOE, inaasahan ang yellow alerts ngayong buwan ng Mayo, ilang linggo sa Hunyo, Agosto, Setyembre, Oktubre at sa Nobyembre. Nangangahulugan ang […]
-
Produksyon sa fishery sector sa unang 3 buwan, bumaba
NAITALA ang pagbaba ng produksyon sa sektor ng pangisdaan sa unang tatlong quarter ng kasalukuyang taon. Nakapag-ambag ang sektor ng pangisdaan ng hanggang P58.72 billion na halaga ng produksyon o katumbas ng 14.2% ng kabuuang agricultural output. Ito ay bumaba ng 6.1% kumpara sa naging produksyon noong nakalipas na taon. […]